Chapter 38: It's complicated

6K 89 2
                                    

Chapter 38: It's complicated

"Good evening po," bati ko kay lola sabay mano. Bumati rin ang kasama ko sa kaniya.

Tumango lang siya sa amin at hindi na ako muling pinansin. Saka siya tumalikod at nilapitan ang ilan sa mga business partners nila.

Humigpit ang kapit ni Marj sa braso ko. "Tss! Ang sungit talaga niyang lola mo!" nakasimangot niyang sabi.

"Sinabi mo pa," matabang kong sagot sabay hatak sa kaniya papunta sa isang vacant table.

What do I expect? She doesn't like me. She never did like me. Well, that's not a big deal, anyway. Honestly, I don't give a fuck.

Sanay na kasi ako.

Lumaki akong malayo ang loob sa mga kamag-anak ko sa side ng tatay ko. No'ng una'y hindi ko maintindihan kung bakit sila ilag sa akin. Kung bakit parang napipilitan lang silang pakisamahan ang isang tulad ko. Kung bakit gano'n sila makitungo sa akin.

Nang tumagal ay naintindihan ko rin kung bakit.

Kasi ayaw nila sa akin.

Kasi bunga lang ako ng isang hindi sinasadyang pagkakataon. Hindi naman sa ayaw pero hindi rin naman ginusto.

Alam mo 'yong pakiramdam na parang hindi ka belong? Na palagi ka nalang out-of-place kapag nagkakaroon ng family reunion? Na hindi kayo close ng mga pinsan mo? Na hindi ka welcome sa sarili mong pamilya? Na miski mga kadugo mo ang kasama mo, kahit anong gawin mo, ayaw pa rin nila sa 'yo? Kulang nalang ipamukha nila nang harapan na sampid lang sa pamilya nila ang isang outcast na tulad ko.

Kung oo, malamang maiintindihan mo ako. Kung hindi, mapalad ka kasi hindi ka natulad sa akin.

Masakit, oo. Kinalaunan, nasanay na rin naman ako sa uri ng pakikitungo nila. Kinatagalan, unti-unti ko ring natanggap ang tunay kong pagkatao pati na rin ang katotohanan na kahit anong gawin ko, hindi na mababago pa ang nakaraan. Ang nangyari ay nangyari na. Kung ayaw nila sa akin, ayos lang. Ayaw ko rin naman sa kanila, so quits lang kami. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit sila gano'n sa akin. Hindi ko naman kasalanan kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Wala naman akong ginawang masama. Hindi ko naman ginustong ipanganak sa pamilya nila.

Hindi ko naman kasalanan kung nabuntis ng tatay ko ang best friend niya samantalang may girl friend siya - na mas nauna niyang nabuntis kay sa nanay ko. Hindi ko naman kasalanan kung bakit muntik nang magkasira ang tatay ko pati na rin ang kasintahan niya. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ipinanganak lang na may-kaya ang nanay ko kaya ayaw sa kaniya ng lola ko. Hindi ko kasalanan kung bakit gold digger ang tingin ng lola ko sa nanay ko. Hindi ko kasalanan kung minahal nang lubos ni mama si papa sa kabila ng lahat nang ginawa nito sa kaniya.

Hindi ko rin naman kasalanan kung ang kaibigan ng nanay ko ang mahal ng tatay ko. Hindi ko kasalanan kung mas pinili ng tatay ko ang taong mahal niya kay sa nanay ko.

Kung bakit hindi si mama ang pinakasalan ni papa. Kung bakit halos masira ang buhay ng nanay ko nang dahil sa isang lalaking hindi siya kayang mahalin pabalik.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon