Chapter 15: How

5.7K 97 5
                                    

Chapter 15: How

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kaming green field.

"P'wede mo na akong bitawan," aniya. Agad ko naman siyang sinunod.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pagkaharap sa kaniya.

"M-M-Mart?!" gulat kong sabi. "A-anong...pa'nong?"

Damn! Ibang tao pala ang nahatak ko! Sa kamamadali kanina, imbis na si Nica...hindi ko napansin na siya pala!

"Sorry, nadamay ka pa sa gulo ko," I mutter and sigh heavily.

"Gusto mo siya, hindi ba?"

Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

"Gusto mo siya, tama? H'wag ka nang magkaila, hatang-halata kaya," aniya.

Hindi ako nakasagot. Napayuko nalang ako.

"Ni hindi mo man lang itinanggi. Sabi na nga ba," umiiling niyang sabi.

Pumulot ako ng bato at saka naglakad palapit sa may bridge. Pumwesto ako sa gitna, saka ihinagis ang bago sa may ilog.

Pumikit ako't napahilamos ng kamay sa mukha.

Maya-maya, may naramdaman akong lumapit at tumabi sa 'kin. Ilang saglit ang lumipas saka ko iminulat ang aking mga mata. 

"Mart," tawag ko sa kaniya. Kasabay nang pag-ihip ng hangin, huminga ako nang malalim at sinabing, "Anong gagawin ko?"

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa malayo habang nakahawak sa railings ng bridge.

"Anong dapat kong gawin?" I ask, hoping for some answers that'll help me.

"Sabihin mo sa kaniya. Tapos ang problema," sagot niya.

"But I can't..." nag-aalangan kong sinabi.

"At bakit naman hindi?"

"Kasi magkaibigan kami. At ayaw kong masira ang kung anong mayro'n kami," I answer.

What a load of bullshit.

The truth is, I'm just afraid to take risks.

I'm afraid of the possible rejection.

What a coward I am!

"Bakit hindi mo subukan? Malay mo, gusto ka rin pala niya," payo niya.

Napakagat ako sa labi. "Pa'no kung hindi?"

"At pa'no kung oo? Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Saka mas mabuti kung aaminin mo para wala kang pagsisisihan sa huli. Para walang what ifs na babagabag sa 'yo. Para matahimik 'yang kaluluwa mo," paliwanag niya.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon