Chapter 8: Escapade

10.3K 123 2
                                    

Chapter 8: Escapade

“Bilisan mo, dali! Baka maabutan nila tayo,” ani Ken habang magkahawak-kamay kaming tumatakbo patungo sa kung saan.

Hindi ako umimik, bagkus ay lalong binilisan ang pagtakbo.

Lumiko kami sa may kabilang pasilyo patungo sa greenfield. Since maraming tao ngayon, mahihirapan silang hagilapin kami lalo na’t nagkalat ang iba’t-ibang booths and stalls dito sa campus. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang makarating malapit sa may mga food stall. Umupo kami sa isang bench na nasisilungan ng mga puno.

“S—siguro naman…hindi ka na nila mahahabol dito,” hinihingal kong sabi sabay punas ng panyo sa ‘king noo. Sa layo ba naman nang narating namin para iligaw sila, masusundan pa ba nila kami?

“Pang ilang beses na ba ‘to? Hindi ko na mabilang. Lang ‘ya! Ang hirap talagang maging g’wapo! Sana pala hindi nalang ako pumasok. Hindi ko rin naman pala masusulit ang paglilibot dito,” aniya sabay paypay sa sarili.

“Ay ang kapal! E ‘di ikaw na!” natatawa kong sagot with matching roll eyes. Tumawa lang siya dahil sa reaction ko.

Ikatlong araw na ng foundation week at hanggang ngayon, marami pa ring tumatangkilik sa mga pakulo at mga booths ng university namin. Open ang university namin for the whole week maging sa mga outsiders kaya naman hindi nakapagtataka’t maraming labas-pasok at nakatambay ngayon sa campus. Katatapos lang ng nakaka-stress na midterm exams at saktong-sakto ang whole week celebration na ‘to para makapag-chill out naman kami after the storm. We have no classes for the whole week pero may attendance kaya required pa rin kaming pumasok. Ang saya, ‘di ba? B’wisit nga lang ‘tong si Ken, panira ng momentum! Mananalo na sana ako kanina ro’n sa nilalaro ko nang bigla ba naman akong hatakin palayo! Pa’no, may lumapit na naman daw kasing taga-marriage booth dahil may nag-request na naman sa kaniya. So alam niyo na ang ginawa namin—tumakas kami (or rather, dinamay niya ako sa pagtakbo palayo) kasi sawang-sawa na siyang makipag-date at magpakasal-kuno sa kung kani-kaninong babae (na karamiha’y hindi niya naman kilala, obviously). Hello, tatlong araw ka ba namang maging suki ng blind-date and marriage booth hindi ka pa ba magsasawa? So that explains why we’re here.

“Ano, tutunganga nalang ba tayo rito? I’m bored. Let’s have some fun,” yaya ko sa kaniya.

“Baka mamaya may humatak na naman sa ‘kin d’yan sa tabi-tabi—”

“Wala ‘yan! Ano ka ba! Ang layo na kaya nang narating natin! Dali na! Please?” I beg, batting my eyelashes at him.

“Pagod ako, okay? Kung gusto mo, ikaw nalang,” he answers irritably at saka inilabas ang kaniyang cellphone.

“E! Don’t be such a buzz-kill! Dali na kasi! Pretty please?” I plead, pouting.

Hindi niya ako pinansin kaya inagaw ko ang cellphone mula sa kaniya.

“Hey! Akin na nga ‘yan!”

“Ayaw ko nga! Samahan mo muna ‘ko,” I answer with a smirk.

Kung hindi makuha sa mabuting usapan, daanin sa ibang paraan!

Lumapit siya sa ‘kin at pilit na inagaw ang kaniyang cellphone.

“Akin na sabi!”

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon