Chapter 16: Savior

5.7K 117 0
                                    

Chapter 16: Savior

Gabi na nang maka-uwi ako sa 'min. Gumala lang kami sa mall kanina, kumain, nagk'wentuhan, nag-picture-taking, nag-window shopping, at naglaro sa Quantum. At gaya nang sinabi niya, siya nagbayad ng kinain ko. Actually, lahat ng gastusin, sinagot niya. Hinatid niya rin ako pauwi, sakay ng kaniyang motor. Bago pumasok ng bahay, nagpasalamat ako sa kaniya - sa pagsama sa 'kin, sa paghatid, sa pag-comfort pati na rin sa mga advice na ibinigay niya.

Pagkapasok ng bahay, dumiretso agad ako sa 'king k'warto at sumalampak sa kama. Nakapatay ang phone ko buong araw kaya nang buksan ko 'to, sunod-sunod na text messages ang natanggap ko. May mga group text, may mula sa barkada na nagsasabing nasa'n na raw kami, ba't daw bigla kaming nawala, at kung anu-ano pa. Majority ay galing kay Ken.

Here are some of his messages that I've received:

Nasa'n ka na?

Ba't bigla kang nawala?

Sa'n ka nagpunta?

May problema ba?

Magkasama ba kayo ni Mart?

Sa'n kayo nagpunta?

Sagutin mo naman ang tawag ko, nag-aalala na 'ko sa 'yo.

Hoy! Ba't ka ba um-absent? May quiz kaya tayo sa major!

Pinasahan na kitang load, hindi ka pa rin nagre-reply?

Ano ba, sumagot ka naman!

-

At marami pang iba. Tinatad ako nang paulit-ulit. Mga 4-5 times niya rin akong pinadalahan ng message na iisa ang laman. Tambak na nga inbox ko, natabunan na 'yong ibang 'di ko pa nababasa.

Habang nag-i-scroll ng inbox, biglang nag-ring ang phone ko.

Tumatawag pala ang bestfriend ko.

Ang tanga ko talaga, pinindot ko ang 'answer' button. Napamura ako sabay sabunot sa 'king sarili.

"Nice one. You answered the 69th call," bati niya. Ba't parang galit siya? "Sa'n ka nagpunta? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Alam mo bang alalang-alala kami sa inyo? Bigla nalang kayong nawala nang hindi nagpapaalam!" sigaw niya.

Fudge! Naka-loudspeaker pa naman ang phone ko. Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Mabibingi ako nang maaga dahil sa ginagawa niya!

"Calm down, dude! Chillax! Nasa bahay lang ako. Hindi mo ba na-recieve ang text ko? Sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako agad. Sorry kung nag-alala kayo. Ngayon ko lang nasagot ang tawag mo kasi kagigising ko lang," pagsisinungaling ko.

Okay, hindi ko talaga siya ni-text kanina. Lalong wala akong sakit. At malinaw namang wala ako sa bahay kanina. I know. Masamang magsinungaling, but I have to.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon