Chapter 22: Hang-over

6.6K 94 6
                                    

Chapter 22: Hang-over

"What's the problem?" she asks as she sits on my lap. Agad ko siyang tinulak palayo sa 'kin. "H'wag ka ngang ganiyan. Binibitin mo 'ko," aniya at nagtangkang humalik sa 'kin ngunit pinigilan ko siya.

"Stop it, Vana. I'm not in the mood," walang-gana kong sabi.

"You are such a tease," she answers seductively. Gumapang ang kaniyang kamay pabababa sa may pantalon ko. Agad ko naman iyong itinabig palayo.

"Go home," I whisper. "Gusto ko munang mapag-isa."

"Fine," she answers and pouts her lips. Ibinutones niya ang blouse na suot, inayos ang kaniyang buhok na nagulo saka tumayo. "Anyway, thanks. Sana sa susunod hindi na 'ko mabitin," dagdag niya pa na may kasama pang pagkindat ng mata.

Asa ka pa! Wala nang next-time!

Hindi nalang ako sumagot. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan.

Napapikit ako at dinama ang kaniyang labi. Isa lang ang pumasok sa isip ko. Walang iba kung hindi ang kaisa-isang minahal (at minamahal) ko. Alam niyo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko.

Tangina. Bakit ba siya ang naiisip ko?

Ilang saglit lang ay tumigil na siya sa paghalik at bumitiw mula sa pagkakayakap sa 'kin.

"Bye KM! See you next time," paalam niya saka tuluyang lumabas ng k'warto.

Napabuntong-hininga ako. Saka muling sumalampak sa kama at pilit na kinalimutan ang lahat nang nangyari.

-

"Bakit mo pinagupitan ang buhok mo?" tanong ko habang nakatambay kami sa may greenfield. Wala kasi 'yong prof namin kaya wala kaming klase at dito namin napagpasiyahang magpalipas ng oras, gaya ng aming nakagawian.

Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi bago siya sumagot.

"Just for a change," aniya.

Pinaglaruan ko ang dulo ng buhok niyang kulay blonde na ngayon.

"Mas bagay sa 'yo ang may mahabang buhok," sagot ko. "H'wag kang mag-alala, maganda ka pa rin naman."

"Ang lakas mo talagang mambola," natatawa niyang sagot na may kasama pang hampas sa braso ko.

Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin, nagtama ang mga mata namin.

"Hindi ako nagbibiro. Maganda ka talaga." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya.

"I know," pabulong niyang sagot sabay tingin sa malayo.

Sa totoo lang, mas gumanda siya lalo. Nakakapanibago. Hindi naman kasi siya nagpapaganda dati, 'di tulad ngayon.

"Iba na talaga kapag in-love! Dati-rati, ayaw na ayaw mong nagmi-make-up. Ngayon, naka-lipstick at eyeliner ka pa! Umamin ka nga, kanino ka nagpapaganda?" naka-ngisi kong sabi.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon