Chapter 26: A little too late

5.3K 83 3
                                    

Chapter 26: A little too late

Ilang araw siyang hindi pumasok matapos mangyari 'yon. Naka-ilang text at tawag na ako sa kaniya pero ni hindi manlang siya sumasagot. Ni wala siyang excuse letter na pinadala sa university namin. Bihira siyang um-absent nang basta nalang kaya naisip kong baka nagkasakit siya.

Tatlong araw ang lumipas bago ko napagpasiyahang puntahan siya sa bahay nila. Nakakainis lang kasi ayaw akong papasukin ng mga katulong nila. Pati ang kapatid niya, halos ipagtabuyan na ako nang puntahan ko ang bahay nila. Ginawa ko na ang lahat para lang papasukin ako sa bahay nila. Lumuhod ako, nagmaka-awa ngunit hindi pa rin sapat. Hindi pa rin nila ako pinayagang maka-usap siya.

Ngunit hindi ako sumuko.

Pagkagaling sa university, araw-araw akong dumaraan sa bahay nila, nagbabaka-sakaling maka-usap siya. Umulan man o umaraw, lagi akong nasa harap ng bahay nila, naka-abang sa kaniya. Madalas akong abutin ng gabi kahihintay ngunit wala rin namang nangyayari. Kulang nalang, mag-sleep-over ako sa harap ng bahay nila kahihintay sa kaniya.

Ayos lang. Basta malaman kong nasa mabuting kalagayan siya, sapat na.

Tuwing pumupunta ako sa kanila, madalas ay ipinabibigay ko nalang sa katulong nila ang dala kong mga pagkain para sa kaniya na may kasama pang sulat.

Nagpatuloy iyon ng ilang araw hanggang sa isang umaga, isang balita ang gumimbal sa akin.

Sabado nang umaga nang mapagpasiyahan kong um-absent at puntahan siya. Iyong mga katulong ang nakaharap at nakausap ko.

"Magandang umaga ho," bati ko pagkabukas ng gate.

"Mabuti pang umalis ka na, hijo," wika ni manang.

"Ha? Bakit ho?" nakakunot-noo kong tanong kahit alam ko na naman ang sagot. Ngunit hindi ko inasahan ang isinagot niya.

"Wala na siya rito."

"Ano hong ibig niyong sabihin?"

"Umalis na sila kanina papuntang airport. Sa States na siya maninirahan kasama ang mama niya kaya h'wag ka na uling mag-abala pang bumalik dito," malumanay niyang sagot.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Muntik ko nang mabitawan ang supot ng mga prutas na dala ko.

"A-Ano ho?"

Hindi pa rin nagsi-sink-in sa 'kin ang sinabi niya.

Bakit siya aalis? Akala ko ba walang iwanan? Anong nangyari sa mga pangako niya? Mapapako nalang ba? Mauuwi nalang ba sa wala ang lahat?

"Umalis na sila at hindi na muling babalik pa rito. Kaya mabuti pang umuwi ka na," masungit niyang sagot, mukhang nainis na yata.

Saka lang ako natauhan.

Shit! I have to follow her! Kailangan ko siyang pigilan sa pag-alis!

"Manang, sa'ng airport po sila nagpunta? At anong oras ang flight nila?" natataranta kong tanong.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon