Chapter 27: Damn regrets

4.9K 77 3
                                    

Chapter 27: Damn regrets

Sinunod ko ang payo ni Aero. Makalipas ang dalawang linggo ay nagpunta akong States. Kahit anong pilit ko, ayaw sabihin sa akin ng kapatid ni Ella na si Ivann kung anong exact address niya kaya no choice ako kung hindi libutin ang buong New York mahanap lang siya. Sa loob ng halos isang buwang pamamalagi at paghahanap sa kaniya ay hindi ko man lang siya natagpuan. Ni anino niya, hindi ko man lang nasulyapan. Gusto ko pa sanang magtagal kaso hinahanap na ako nila papa - hindi kasi nila alam na umalis ako ng bansa. Nalaman siguro nilang hindi ako pumapasok kaya ayon, nalintikan na. Bigo akong umuwi ng Pilipinas matapos ang masugid na paghahanap. Umasa pa naman din ako kahit papa'no. Umasa akong sa pag-uwi ko, magkasama na ulit kaming dalawa ngunit wala rin naman akong napala sa bandang huli.

Nalaman nila papa ang mga kalokohang ginawa ko nitong mga nakaraang araw kaya na-grounded ako for a month. Idagdag mo pa ang mga failing grades ko kaya wala rin akong allowance at na-freeze rin temporarily ang bank accounts ko. Ang saklap kasi naubos ko pa naman ang allowance ko sa trip. Ayos lang. Kahit mamulubi pa ako, okay lang. Makita ko lang siya ulit.

Buong buwan ng April, nakatunganga lang ako sa bahay. Madalas tulog o kaya nagbabasa nalang ng libro dahil wala na akong ibang mapagka-abalahan. Pagsapit ng May, balik na naman ako sa dating gawi. DotA sa umaga, party sa gabi. Halos gabi-gabi akong tambay sa iba't-ibang bar kasama ang ilan sa mga kabarkada ko. Naka-survive naman ako ng buong summer kahit papa'no. Nakaya ko naman kahit gustong-gusto ko nang bumigay at sumuko.

Dahil bumagsak ako last sem, irregular ako pagsapit ng huling taon ko sa college.

Kailangan kong maghabol ng subjects at ang resulta, made-delay ako ng isang sem kaya imbis na graduating na ako this year ay magiging Octoberian pa ako. Kasalanan ko naman. Nagpabaya ako kaya kailangan kong bumawi.

Kinalaunan, napagtanto kong tama si Allen - hindi naman titigil sa pag-ikot ang mundo para lang hintayin akong umandar muli. Hindi ko naman puwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya kung ayaw niya talaga. Hindi rin naman ako maaaring mabuhay nalang sa nakaraan. Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maibaon sa limot itong nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit na pakiramdam ko, parang laging may kulang. Kung alam niyo lang. Ang hirap bumangon at harapin ang panibagong araw nang wala siya sa tabi ko. Ang hirap kasi nasanay na akong palagi siyang kasama. Ang hirap kasi wala na iyong kaisa-isang nagpapasaya at nagpapangiti sa akin.

Ang hirap kasi kung kailan siya nawala, saka ko lang napagtanto kung ga'no ko siya kamahal. Saka ko lang napagtanto kung ga'no siya kahalaga sa akin.

May mga bagay talaga na saka mo lang malalaman ang halaga kapag nawala na.

Napatunayan kong nasa huli lagi ang pagsisisi.

Kung mas maaga lang akong dumating no'n sa airport, baka napigilan ko pa siya.

Kung umamin siguro ako, baka wala akong pinagsisisihan ngayon.

Kung umamin siguro ako, baka nalaman kong may posibilidad na maging kami. Baka nalaman kong mahal niya rin pala ako. O baka tama ang hinala kong iba ang hanap ng puso niya. At least, wala nang 'what ifs', 'what could have been' at kung anu-ano pang gugulo sa isipan ko. Wala siguro akong panghihinayangan at pagsisisihan ngayon.

Kung kumilos siguro ako, baka magkasama pa rin kami. Baka buo pa rin ang barkada namin. At baka masaya ako ngayon.

Kaso hindi.

Huli na ang lahat.

Umalis na siya.

Kung puwede lang sanang ibalik ang kahapon, ginawa ko na para baguhin ang mga pagkakamali ko.

Alam ko namang lahat ng bagay ay may dahilan. Kung ayaw niya talagang magpakita sa 'min, hindi ko na siya pipilitin pa. Siguro naman may matinong dahilan kung bakit bigla nalang siyang umalis nang walang pasabi.

O baka hindi lang talaga kami para sa isa't-isa kaya pilit kaming pinaglalayo ng tadhana.

Kung gano'n, wala na akong ibang magagawa kung hindi tanggapin ang masakit na katotohanan.

Kahit na alam kong sa kaibuturan ng puso ko...

...umaasa pa rin akong babalik siya.

Napabuntong-hininga ako. Ayan na naman ako sa mga ka-drama-han ko. Move on na kasi!

Dinukot ko mula sa bag ang dalawang concert ticket ng All Time Low na in-order ko pa sa internet months ago. Next week na ang concert nila sa Manila at sayang naman kung itatapon ko lang 'to dahil umalis na ang kasama ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan si Allen. Magkakaiba na kami ng schedule dahil irregular ako kaya baka hindi na kami magpang-abot mamaya. Hindi pa naman dumarating ang prof namin kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon.

"O, sa 'yo nalang," wika ko sabay abot sa kaniya ng dalawang concert ticket.

Sayang talaga. Hindi na namin mapapanood nang sabay ang concert. Favorite band pa naman niya 'to at talagang pinaka-inabangan niya.

"Anong gagawin ko rito?" aniya sabay kuha sa dalawang ticket.

"Sa 'yo nalang. Sayang naman kasi kung itatapon ko," matabang kong sagot.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang 'yong mga ticket.

"Kung gusto mo, yayain mo si Nica para may kasama kang manood tutal dalawa naman 'yan," suhestiyon ko.

"Psh! Bakit ko naman isasama ang isang 'yon?" nakakunot-noo niyang tanong. Kunwari pa 'to! Batukan ko kaya siya para matauhan? Tsk!

"Huwag kang gumaya sa 'kin, 'tol. Huwag mong sayangin ang pagkakataon hangga't na'ndiyan siya. Kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat," payo ko sa kaniya na may kasama pang pagtapik sa balikat.

"Talaga naman! Lakas maka-hugot," biro niya. Ngumiti pa siya nang pang-asar kaya napasimangot ako. "Ikaw naman, 'di na mabiro! Siya, sige! Salamat dito!"

Tumango lang ako't naglakad pabalik sa upuan ko.

***

A/N: Sorry kung maiksi lang! Maiksi lang kasi talaga 'to! Wahahaha! Babawi nalang ako sa next chapter. Anyway, thanks for reading! :>

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon