Chapter 30: Forgotten

5.2K 93 11
                                    

Chapter 30: Forgotten

Bigo akong bumalik papasok ng bar matapos ko siyang hanapin sa may parking lot. Tinanong ako ng barkada kung anong nangyari at bigla nalang akong nagtatakbo palabas. Sinabi ko sa kanilang nakita ko siyang nanonood sa amin. Nagulat sila dahil hindi naman daw nila nakita. Gaya ko, hindi rin nila alam kung bumalik na ba talaga siya rito sa bansa.

Halos hindi ako makatulog nang gabing iyon dahil sa nakita ko. Buong gabi kong inisip kung totoo ba ang nakita ko o namamalik-mata lang talaga ako. Hindi ko siya nahawakan at nakausap kaya baka imagination ko lang talaga ang lahat. Baka nananaginip lang ako nang gising.

Damn! If that was just a dream, why did it seem so real?

"Max? Max! Are you listening to me?" Bigla akong natauhan nang mapansin ang isang kamay na kumakaway sa harap ng mukha ko.

Shoot! Kanina pa pala ako nakatulala na parang tanga. Halos isang linggo na ang nakalipas mula nang gabing 'yon ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.

Napakamot ako sa aking ulo.

"A-Ano nga ulit 'yong sinabi mo?" nahihiya kong tanong.

Kumagat siya sa isang slice ng pizza na hawak niya, ngumuya saka lumunok bago sumagot.

"You're not paying attention," aniya sabay higop ng iced tea. Naningkit ang kaniyang mga matang kanina pa nakatitig sa akin. "Is something bothering you?"

Napaiwas ako ng tingin. Napabuntong-hininga. Saka tumango nang marahan.

"I'm pretty sure that you're thinking about her, am I right?" I can sense jealousy in her tone. Padabog niyang ipinatong ang baso ng iced tea sa mesa. "Please naman, we're having a date here. Ayaw ko nang may iba kang iniisip bukod sa akin tuwing kasama mo ako."

"I'm sorry," I apologize with guilt. "I just can't stop thinking about that night..."

"I know you terribly miss your bestfriend, and I understand that. Ilang taon na rin mula nang huli niyong pagkikita at alam kong sabik na sabik ka nang makita at makasama siyang muli. Sana naman nakikinig ka sa mga sinasabi ko. Nagmumukha kasi akong tangang kumakausap sa hangin," masungit niyang sagot.

"I know, I know! I'm sorry," I answer. "Ano bang sinasabi mo kanina?"

"Nevermind. It's not that important, anyway," she says, almost a whisper.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa table at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Oh, come on! Huwag ka nang magtampo. Sorry na, baby," pabiro kong sabi.

Hinigit niya ang kaniyang kamay mula sa akin. "Huwag mo akong matawag-tawag na baby! Monthsary natin ngayon tapos may iba kang iniisip. Sinong hindi magtatampo?" Napakagat ako sa labi dahil sa pagpipigil tumawa. "Kahit hindi pa kita mahal, nako! Ang pride ko, nasasaktan!" pahabol niya pa.

Ngumisi ako't kinurot ang magkabila niyang pisngi, sabay sabing, "Sus! Kunwari ka pa! Selos ka lang! Ayaw mo pang aminin na mahal mo na ako." Why did I ask that? Alam kong hindi ako handa sa isasagot niya. Ano na naman bang pumasok sa isip ko?

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon