Chapter 14: Jealous?

6.2K 89 1
                                    

Chapter 14: Jealous?

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Dali-dali akong nagmartsa patungo sa table na kinaroroonan nilang dalawa. Natanaw ko silang nagtatawanan kasama sila Allen, Mart at Nica na abala sa pagkain at pagkuk'wentuhan. Hindi kumpleto ang barkada kasi magkakaiba kami ng schedule. Tuwing Friday lang kami lahat nagkakasabay sa pagkain ng lunch.

"O, ba't ngayon ka lang?" bati sa 'kin ng walang 'ya.

Wow, kung makapagsalita parang walang nangyari. Ni hindi manlang affected! Samantalang hindi ako makatulog kagabi sa kaiisip sa ginawa niya!

"Na-late ako nang gising," naka-simangot kong sabi sabay tingin sa kasama niya, "Who's that girl?" na may kasama pang pagtaas ng kilay.

"She's Erica," pakilala niya sa kasama.

Wait, she looks so familiar! Sa'n at kailan ko nga ba siya nakita? Parang natatandaan ko na.

"Erica, si Ella nga pala; best friend ko. Ella, si Erica."

She's that damn annoying bitch who kept on bickering in the hallway about her boyfriend.

Boyfriend.

Kung may boyfriend siya, anong ginagawa niya rito? Bakit niya nilalandi ang best friend ko? H'wag mo sabihing break na sila? Kaya naghahanap siya ng bagong lalandiin ngayon?

"Hi Ella! Erica Lazaro nga pala. Nice to meet you! I heard a lot of things about you," she says with a smile, sabay lahad ng kamay upang makipag-hand-shake.

O, talaga?

Hindi ko pinansin ang kamay niyang nakalahad. Ni hindi ako ngumiti nang magpakilala sa kaniya.

"Ella Torrez," pakilala ko, saka ako umupo sa tabi ni Mart, kaharap ni Ken.

Napagigitnaan nina Ken si Erica samantalang nasa kabilang dulo naman si Nica, katabi ni Mart at katapat ni Allen.

"Jealous?" Mart whispers as I sit next to him.

What the fudge?

Siniko ko siya sa tagiliran.

"Shut up," inis kong sagot.

"Ouch!" daing niya. Sinamaan ko siya nang tingin.

"Ano 'yon? May problema 'tol?" Allen asks then looks at the two of us.

"W-Wala naman," natatawang sabi ng katabi ko.

B'wisit!

Since kumain na naman ako ng lunch bago umalis ng bahay, hindi na ako nag-abalang um-order pa. Actually, naki-sit in lang ako para manmanan ang dalawang 'to. Dumukot ako ng fries sa tray, pinapak at saka nagsalita.

"So Ken, kailan pa kayo nagkakilala nitong si Erica?" I ask, sabay dukot ulit ng fries.

"Tanda mo pa ba 'yong kinuwento ko sa 'yo kahapon? Iyong nasukahan ako ng isang lasing sa bar? Siya 'yon. Siya 'yong sumuka sa 'kin," aniya.

Lumipat ang tingin ko sa katabi niyang si Erica.

"So ikaw pala 'yon. Hulaan ko sunod na nangyari. After that, naging magkaibigan na kayo. Tama? Ba't 'di ko ata alam 'yon?" I answer with a pang of sarcasm.

"Actually, ngayon lang ako nag-approach sa kaniya. I just came to apologize for what I've done last Friday night. I even brought some food," she says and hands me a tupperware na may lamang ulam. Menudo? Kaldereta ata? Not sure. "Ako ang nagluto n'yan. Here, have some," naka-ngiti niyang alok sa 'kin.

"Tikman mo! Masarap 'yan! Iyan ang inulam ko," singit ni Ken sabay subo ng kaning may ulam.

Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

So anong akala niya sa 'kin, hindi masarap magluto? Kapag iba pinupuri niya samantalang ako, panay panlalait ang natatanggap mula sa kaniya. Tangina! Kaibigan ko ba talaga siya?

Hindi ko napigilang umirap. Pabalang kong kinuha ang tupperware mula kay Erica.

"Easy! High-blood ka na naman," natatawang sambit ni Mart, sabay inom ng iced tea.

Tahimik lang naman siya usually, ba't ngayon pa siya nagka-gan'yan? Ngayon pa nangulit kung kailan bad trip ako. Pang-asar lang!

"Shut the fuck up," I whispered furiously. Nakakainis! "Pahinging kutsara!"

"O, ayan na," wika ni Nica sabay abot ng isang kutsara. Agad ko naman 'yong kinuha. Saka ko ipinansandok sa ulam na niluto ni Erica.

Ilang saglit ko ring tinitigan ang ulam sa kutsara saka ko tinikman.

Nakakainis kasi ang sarap ng luto niya.

Siya na! Siya na magaling magluto!

"Kamusta lasa? Okay ba?" naka-ngiting tanong ni Erica.

Damn! Her mere presence annoys the hell out of me.

Nilunok ko muna ang pagkain, uminom ng tubig saka nagsalita.

"Matabang. Kulang ka ata sa asin," pagsisinungaling ko.

Ano na naman ba 'tong pinagsasasabi ko? Nawawalan na naman ng control ang bibig ko.

"Matabang ba? Nako, baka nga kulang. Hayaan mo next time, dadagdagan ko," sambit ng bruha.

Sumandok si Mart ng ulam na niluto ng Erica, ihinalo sa kanin at saka kinain.

"Hindi naman! Masarap kaya!" he says as-a-matter-of-factly, sabay tingin kay Ken. "Hindi ba 'tol, masarap naman?"

"Oo nga! Ang sarap kaya! Ito ang pinakamasarap na Kalderetang natikman ko," hirit ni Ken.

That's it! Hihigitan ko 'yang luto niya! Kakainin mo 'yang sinabi mo! Ipagluluto rin kita - mas masarap pa r'yan! Kaya humanda ka!

"Washroom lang ako. Tara Nica, samahan mo 'ko," wika ko sabay tayo at hatak sa 'king kaibigan.

Bago pa man sila makasagot, mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria hatak-hatak ang kasama ko.

***

A/N: This is written in mobile kaya maikli. Pati ang kasunod na chapter/s.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon