Chapter 34: Can't be

6.1K 96 5
                                    

Chapter 34: Can't be

Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit parang lalo kaming pinaglalapit ng tadhana. Kung kailan naman ayaw ko na siyang makita, saka pa sumusulpot bigla.

Isang umaga, matapos mag-jogging ay nagtungo ako sa pinakamalapit na convenience store. Kumuha ako ng drinks sa malaki nilang ref at saka pumila sa counter. Laking gulat ko nang makita siyang nakapila. Naka-suot siya ng plain white shirt na sinamahan ng maong shorts at flip-flops. Naka-bun ang buhok niya at kahit nakatalikod siya, sigurado akong siya ang nakita ko.

Nang siya na ang magbabayad, agad ko siyang nilapitan.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa sarili ko at nagawa kong sumingit sa pila para lang malapitan siya. Puwede namang umalis nalang ako at sa iba nalang bumili para hindi niya ako makita. Kaso ako 'tong si tanga, lalo pang inilapit ang sarili sa apoy.

"Ako nang magbabayad," sabi ko sabay abot ng one thousand peso bill sa cashier. "Pakisama na rin 'tong sa 'kin, miss," dagdag ko pa, saka ipinatong sa counter ang bibilihin ko. "Magkahiwalay ng plastic."

Gulat na napatingin sa akin si ex-bestfriend.

"Good morning," nakangiting bati ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" kunot-noo niyang tanong. "Hindi mo naman kailangang bayaran ang mga pinamili ko. May sarili akong pambayad, salamat nalang."

"Bumibili," matipid kong sagot. "Nahiya ka pa. At kailan ka pa tumanggi sa libre?"

"Ngayon lang," nakapamaywang niyang sabi.

"Tss! Wala ka nang magagawa, nabayaran ko na."

Biglang may umubo sa harapan namin. Napatingin kami sa cashier na parang ang sama ng tingin sa 'min.

"Ma'am, sir, marami pa hong nakapila," wika nito at saka ngumiti nang pilit.

Agad kong kinuha ang supot na naglalaman ng pinamili ko, gano'n din ang kasama ko.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng 7-11 bitbit ang pinamili ko. Ramdam kong nasa likod ko lang siya at sumusunod sa akin. Maya-maya, namalayan kong nasa tabi ko na pala siya habang naglalakad ako pauwi.

"So, sa'n ang punta mo?" tanong ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Bakit mo tinatanong? Close ba tayo?" mataray niyang sagot. Strike one! Napasimangot tuloy ako.

"Sa pagkakatanda ko, oo. Close na close tayo. Ayaw na ayaw mong nawawalay sa akin," I say as-a-matter-of-factly.

"O, talaga?" sarcastic niyang sabi.

"Talaga!"

"Well, dati 'yon, hindi na ngayon," mariin niyang sambit. Boom, sapul! Strike two!

"Pa'no mo nalaman? 'Di ba may amnesia ka?"

"Kakasabi mo lang, 'di ba?" masungit niyang sagot.

"Naniwala ka naman?"

"Bakit ka ba sunod nang sunod sa 'kin?" iritado niyang sabi.

Bed friends? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon