Prologue

1.6K 26 0
                                    

Naglalakad ako sa madilim na kalsada ng Barangay Multuhan. Hindi man ako matatakutin pero nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba.

Nang marating ko ang isang puno ng accacia ay natigilan ako, muntik ko nang maihulog ang suka na pinabili sa akin ng Nanay.

Akmang lalagpasan ko na ang nakita ko ng magsalita ito

“Saglit lang”

Pinilit kong hindi lumingon, gaga Nika, wag kang lilingon, sabi ng Nanay tigil tigilan mo na iyan.

Ngunit ilang hakbang palang ay naramdaman ko na may humawak sa braso ko, pinagkaiba nga lang, malamig ang mga palad nito.

Dahan dahan akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko

“K-kuya Nico, wag mo naman akong takutin”

Nakahinga ako ng maluwag ng makilala na si Kuya Nico pala ang humawak sa akin at hindi yung nakita ko kanina

“Bakit nasa labas ka pa? Malalim na ang gabi, hindi ka dapat nagpapagala gala” Sabi nito at inakbayan ako

“Pinabili lang ako ng Nanay ng suka. Tsaka Kuya bakit ang lamig ng kamay mo?” Takang tanong ko

Ngumiti lang ito. Pero habang patagal ng patagal kong kasama si Kuya Nico ay mas lalo akong kinakabahan. Para bang ang bigat sa pakiramdam.

“Kuya, magkakasa---”

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Nang nilingon ko kasi si Kuya ay hindi na ang mukha nito ang sumalubong sa akin, isang babae na puro dugo ang mukha

“AHHHHHHHH!”

Pilit kong tinatanggal ang pagkakaakbay nito sa akin pero mas hinigpitan niya lang ang kapit sa akin

Nagpumiglas ako ng nagpumiglas pero wala akong magawa, masyado siyang malakas

“Kukunin kita, kukunin kita”

Yan ang paulit ulit niyang sinasabi, lalo akong kinabahan ng unti unti niya ng ilapit ang mukha niya sa akin

Ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko, Katapusan ko na

Pero bigla nalang naglaho yung multo sa harap ko na siyang pinagtaka ko, anong nangyari?

Tatakbo na sana ako pauwi ng matigilan ako, yung lalaki sa puno ng accacia!

Pero ramdam ko na may kakaiba sakanya, halata sa damit nito, halos sira na ang mga ito at may bakas ng dugo, ngunit ang mukha niya ay wala, nakapagtataka.

Alam kong katulad lang din siya ng babae kanina kaya tumakbo na ako

“Miss saglit lang!” Sigaw nito

Ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon