Epilogue

721 12 3
                                    

Tahimik akong nakain, kulang nalang mahulog ang mga kubertos na nasa mga kamay ko dahil sa kaba, nanginginig at nanlalamig ito.

Napainom ako ng tubig ng marinig kong tumikhim si Tito Joseph.

"Ayos ka lang ba Annika?" Tanong nito, nilinis ko naman ang lalamunan ko at tumango

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hinayaan sila Nanay at Tito Joseph na magusap.

"Tingin ko andyan na sila" Anunsyo ni Tito Joseph na lalong nagpadagdag sa kaba ko

Tumayo naman sila Nanay at Tito Joseph para salubungin sila Kuya Nico

"Anak, tumayo ka nga d'yan" Bulong sa akin ni Nanay

Agad naman akong tumayo at yumuko.

Narinig ko ang mga yapak papalapit sa dining hall kaya lalo akong kinabahan.

"Honey" Rinig kong sambit ni Tito Joseph

Nanatili ang mga mata ko sa baba at tahimik na pinakiramdaman at pinakinggan sila.

Ito ang unang beses na makikita ko s'ya mula ng magising ito kaya abot langit ang kaba ko.

Napaangat lang ang tingin ko ng marinig ko ang boses ng Kuya Nico ko

"Annika" Tawag nito

Ngumiti naman ako at tumakbo kay Kuya Nico sabay yakap sakanya

"Kuya! Namiss kita" Sabi ko rito at nagpapadyak pa ng paa

Narinig ko ang  mahinang tawanan at kumalas sa yakap ko si Kuya

"Hindi mo ko namiss Kuya?" Tanong ko ng nakasimangot

Pinisil naman nito ang mga pisngi ko at nginitian ako

"Siyempre namiss kita. Wala akong napagtritripan sa bahay e" Sabi nito

Ngumiti naman ako ng malawak at bumalik na sa kinauupuan ko kanina

Nagsimula muli kaming kumain, pero ngayon ay marami na kami hindi gaya kanina na tatatlo lang.

"So kelan ang kasal?" Nakangiting tanong ni Tita Geniva

Nanlaki ang mata sa tanong n'ya

"Sinong ikakasal Tita Geniva?" Gulat kong tanong

Ngumiti ito sa akin at kay Ralph na busy na nakain

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba dahil parang may ipinapahiwatig ang mga ngiti at tingin ni Tita Geniva

"Raphael---"

Hindi natapos ni Tita Geniva ang sasabihin n'ya dahil nabulunan si Ralph, agad naman itong inabutan ng tubig ng ina

"Ma, ano bang pinagsasasabi mo?" Kunot noong tanong ni Raphael

"Bakit may sinasabi ba ako?" Nakangiting tanong ni Tita Geniva

Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Tita Geniva at Raphael, nagulat naman ako ng makita kong nakatingin din sa akin si Raphael

"Sa garden lang po ako. Excuse me" Paalam ni Raphael sabay tayo

Pinagmasdan ko lamang ang likod n'ya na naglalakad palayo hanggang sa mawala na itong tuluyan sa paningin ko.

"Like I was saying, kelan ang kasal Nicholas at Annalise?" Nakingising asong tanong ni Tita Geniva

Sabay namang nanlaki ang mata ni Kuya at ni Annalise. Maging ako ay halos malaglag sa kinauupuan ko. Ikakasal sila? Parang tatlong buwan lang silang nawala a?

"Ikakasal ka na kuya?!" Gulat na tanong ko dito habang nakanganga

Hinawakan naman ni Nanay ang balikat ko

"Mukha kang aatakihin sa puso d'yan Annika. Lumabas ka na nga lang muna, kami muna ang maguusap" Sabi sa akin ni Nanay at pilit akong pinatayo

"Pero Nay---"

"Do'n ka muna sa garden, samahan mo si Raphael" Sabi ni Tita Geniva at nginitian ako

Pinagtulakan naman ako ni Nanay hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng dining hall.

Hindi ko kineri 'yung balitang 'yun a? Ikakasal si Kuya?

"Ang angas naman, tatlong buwan lang nawala magaasawa na" Bulong ko sa sarili ko

Naglakad lakad naman ako sa loob ng mansyon ng mga Mendoza, napadpad ako sa isang hallway na maraming pictures sa mga dingding.

Nakakita ako ng mga halos kasing tanda na ng mga ninuno ko 'yung mga tao sa litrato.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ay palakang may malaking bunganga!" Sabi ko sabay sapo sa dibdib ko

Humarap ako sa nagsalita ako dinuro s'ya

"HOY IKAW? BAKIT KA BA NANG GUGULAT?!" Sigaw ko dito, pero nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marealize ko sino 'yung nasa tapat ko

Ibinaba ko 'yung kamay ko at tumayo ng maayos

"Ah, hehe, hi Raphael, ikaw pala 'yan" Sabi ko sabay hawi ng buhok papunta sa likod ng tenga. Iww, pabebe ka Annika.

Natawa naman si Raphael "Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya

"Pinagtabuyan kasi ako do'n sa dining hall e, paguuspan daw nila 'yung kasal ni Kuya Nico at ni Annalise" Sagot ko

Tumango naman ito

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Sabi mo sa garden ka?" Tanong ko

"Bahay namin 'to, sabihin mo lang kung bawal ako magikot" Sagot n'ya at tumawa

Napakurap naman ako at agad umiling "Wala naman akong sinasabing bawal ka magikot e. Tinatanong lang kita" Defensive kong sabi

Natawa naman ito.

"Kumusta ka naman Annika" Tanong nito

Napatingin ako sakanya "Diba dapat ikaw 'yung tinatanong ko kung kumusta ka?" Tanong ko sakanya pabalik

"Maayos ako" Sagot n'ya at mahinang tumawa, tumango tango ako

"Ang tagal mo rin kasing natulog e" Sabi ko sakanya

"Napasarap ang tulog" Sagot n'ya at tumawa

"Halata naman" Sabi ko

Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa binasag n'ya ito

"Ang ganda nga ng napanaginipan ko nung tulog ako e" Kwento nito

"Ano naman 'yun?" Tanong ko

"May nakilala daw akong babae, tapos minahal ko s'ya. Tapos sabi sa taas nung napadpad ako, 'yun na daw 'yung nakatadhana sakin" Sabi n'ya at ngumiti ng matamis

Natigilan naman ako "Nakilalang babae? Nung comatose ka?" Tanong ko, tumango ito

"Kilala mo ba?" Tanong ko, ayoko magassume, pero ako ba 'yun?

"Hindi ko matandaan 'yung mukha n'ya e" Sabi n'ya

Nanlumo ako. Hindi n'ya ako matandaan.

"Pero may isa akong natatandaan sakanya" Dagdag n'ya

"Ano 'yun?"

"Tinatawag n'ya akong Ralph" Sabi nito at ngumiti "Tsaka mahilig s'ya sa balot" Dagdag pa n'ya

Gusto ko ng magtatalon at magtititili, dahil pwede niya pa akong mahanap.

"Pwede mo ba kong tulungan hanapin s'ya?" Tanong n'ya habang nakangiti at inilahad 'yung kamay n'ya

"Hindi mo na ko hahanapin, andito ako Ralph" Bulong ko

END OF BOOK 1.

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon