"May mabubunggong jeep. Mamatay ka kasi kasama ka sa pasahero non. Kaya pinababa kita" Seryosong saad nito na nakapagpalaki ng mata ko.
"Seryoso?" Nanlalaking matang tanong ko, tumango lamang ito
Inakbayan naman ako nito at nagsimula nang maglakad.
Nasa Barangay Multuhan na kami ng nagpaalam sa akin si Kuya Nico
"Annika mauna ka na, may titignan lang ako" Paalam nito sa akin at hinalikan ako sa noo
Naglalakad na ako papunta sa street namin nang maalala ko si Raphael
Nasan na ba yung lalaking yun? Kala ko ba magpapatulong yun makaalala
"Asan na kaya yun?" Bulong ko sa sarili ko ng matapat ako sa puno ng accacia
Pinagmasdan ko yung puno, bakit kaya dito napunta si Raphael? Dito ba siya namatay? Parang imposible naman
Nakaramdam ako ng hangin na dumadampi sa pisngi ko kaya pumikit ako
"Miss mo na ko?" Napadilat ako ng makarinig ng boses
Bumungad sa akin ang malaking ngiti ni Raphael
"Miss kita? Ikaw?" Tanong ko at tumawa ng pilit
Huminga ito nang malalim at ngumiti sa akin
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya
"Dito ang daanan pauwi sa bahay, malamang dadaan ako dito" Mataray kong sagot, tumawa naman ito
"Hatid na kita sainyo" Pagboboluntaryo niya
"As if naman matutulungan mo ko kung may magtangkang magrape sa akin" Sabi ko at nagsimulang maglakad
Humabol naman ito sa akin at inilagay ang mga kamay niya sa bulsa niya
"Naniniwala kang may mangrarape sayo?" Tanong nito at tumawa ng malakas
Tinitigan ko ito ng may seryosong mukha. Tumigil ito sa pagtawa pero halatang nagpipigil parin, huminga ito ng malalim
"Oo wala akong laban sa tao, pero sa kapwa multo meron" Sabi niya at kinindatan ako
Hindi nalang ako umimik. Nakarating na kami ng tapat na bahay namin. Wala paring nagsasalita.
"Annika" Basag nito sa katahimikan, tinignan ko siya
"O?" Walang gana kong sagot
"Nakapagisip isip ka na ba?" Tanong nito na siyang pinagtaka ko
"Nakapagisip isip? Saan?" Taka kong tanong
"Kung tutulungan mo ko" Sagot niya
Sasagot na sana ako nang biglang lumitaw si Nanay
"Nika! Bakit diyan kayo naguusap niyang bisita mo, papasukin mo yan dito" Sabi ni Nanay sabay lipat ng tingin kay Raphael
"Iho kaibigan ka ba nito ni Annika? Pasensya na wala talagang modo yan" Sabi ni Nanay
"Nay!" Saway ko dito ng nanlalaki yung mata, narinig ko naman ang tawa ni Raphael
"Opo, kaibihan ho ako ni Annika" Sagot niya at ngumiti
"Buti at natitiisan mo tong si Annika, grabe tong ugali niyang bata yan, sakit yan sa ulo namin ng Kuya niya" Kwento ni Nanay
"Nay naman!" Sabat ko
"Ay siya, papasukin mo yang bisita mo Annika ahh" Sabi nito at pumasok na ng bahay
Narinig ko naman ang mga tawa ni Raphael, tinignan ko ito ng masama
"Masama pala ugali mo ehh" Natatawa nitong sabi
Pinanlakihan ko siya ng mata at iniwan sa labas, narinig ko pa ang nakakainis niyang tawa
Bwiset!

BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Kort verhaal"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...