Nakaupo ako dito sa puno ng accacia sa kabilang barangay habang binabasa yung mga iniwan sa akin ni Tatay.
Hanggang ngayon nagiisip parin ako, sino ka ba talaga Raprap Mendoza?
Naramdaman ko namang may malamig na hangin na pumalibot sa akin kaya agad akong napangiti.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Raphael habang nakangiti
"Wala naman" Sagot ko habang inaayos yung mga gamit ko
"Alam mo Annika, noong una talaga nawalan na ako ng pagasa na may makakatulong pa sa akin" Sabi niya at ngumiti
Napalingon naman ako sakanya "Hindi naman kita natulungan ahh?" Natatawa kong sabi, natawa rin siya
"Atleast andiyan ka sa tabi ko" Makahulugan niyang sabi
"Alam mo, masaya akong nakilala kita, sana nga lang mas marami tayong magawang memories 'no?" Tanong ko at lumingon sakanya
Ngumiti naman ito pero hindi umabot sa mga mata niya, dahilan para marealize ko yung sinabi ko
"Uhm, I mean diba? Kung mas maaga lang sana tayong naging magkakilala o magkaibigan" Sabi ko at alangang tumawa
"Alam mo, nung nalaman ko na nakakahawak na ako, eto agad yung ginawa ko" Sabi niya. May inabot naman ito sa aking papel na nakatupi
"Ano 'to?" Tanong ko at akmang bubuksan ng pigilan niya ako
"Basahin mo yan kapag nakauwi ka na" Sabi niya at ngumiti ng matamis.
Ilang oras pa akong nanatili sa tabi ni Raphael, nagkwentuhan at inalaala yung mga naging memories namin.
"Annika" Tawag niya sa akin kaya napalingon ako sakanya
"Mmm?" Tanong ko, hinawakan naman niya yung kamay ko
"Always remember that I am happy that I met you. Aalalahin kita hanggang sa kabilang buhay, habang buhay kitang dadalhin dito" Sabi niya at itunuro ang kaliwang dibdib
"A-anong ibig mong s-sabihin?" Nauutal kong tanong
Ngunit imbis na sumagot ay ngumiti lang ito.
"Umuwi ka na, malalim na ang gabi. Magbobonding pa tayo bukas diba?" Nakangiti niyang sabi
"Oo naman" Sagot ko kahit nagtataka na ako sa ikinikilos niya
"And also don't forget to read my letter to you, the one I gave you a while ago" Sabi niya dahilan upang ngumiti ako.
Pabagsak akong humiga sa kama ko, hay, ang haba ng araw na 'to.
Napalingon ako sa gawing kanan ko at nakita ko sa bulsa yung papel na ibinigay ni Raphael sa akin kanina.
Dali dali akong bumangon at sinimulang basahin ito
Annika,
Una kitang nakita na bumibili ng suka doon sa may tindahan malapit dito sa puno ng accacia, una palang alam ko na may kakaiba na sayo.
Hanggang sa pinakiusapan kita na tulungan ako, pero ang tigas mo, pakipot pa.
Habanh tumatagal na magkasama tayo mas lalo kitang nakikilala, masaya ako kapag kasama kita, minsan nadarama ko na tao parin ako, na hindi tayo magkaiba.
Nasabi ko naman sayo nung nakaraan diba? Gusto na kita, ay mali, mahal na ata kita. Alam kong mabilis masyado pero wala ehh, mahina yung puso ko.
Ngunit habang natagal ako dito sa lupa unti unti ng nabalik yung alaala ko. Nagulat ako sa mga visions na nakikita ko.
Annika, yung litratong nakaipit dun sa libro na ipinaman sayo ng Tatay mo ako yun, kami yun ng Kuya mo, pasensya na kung pinakialaman ko ha? Ako si Raprap Annika, yung bestfriend ng Kuya Nico mo.
Raphael James Mendoza nga pala.
Si Annalise, kilala ko rin siya. Pinsan ko siya, mahal na mahal ko yung Kuto na yun, sayang nga lang at nagkahiwalay agad kami.
Annika, alam ko na kung bakit ako nagkaganito, Annika dahil sa Kuya mo. First year college kami ng mangyari ang malagim na pangyayari na gumimbal sa buhay ko.
Isang gabi, paalis kami ni Kuya Nico mo, pero may lalaking humarang sa amin sa sinasabing sumama daw kami sakanya, pero matapang masyado si Nicholas, ayaw niya.
Hanggang sa nagkarambulan na, pinatakbo ko ang Kuya Nico mo dahilan para ako ang maiwan. Naalala mo yung kwento ko kung bakit ako namatay? Nagpasagasa ako nun sa kotse para makalayo ang Kuya mo.
Annika, alam kong magulo, pero sa oras na magising ako ikwekwento ko sayo lahat.
Oo Annika, may pagasa pa tayo, buhay pa ako. Ako yung kinikwento sayo ni Annalise na pinsan niyang nacomatose.
Marahil ngayon habang binabasa mo 'to wala na ako, nakabalik na ako sa pinagmulan ko. Ramdam ko na yun nung mga nakaraang araw pa, na mawawala na ako.
Annika tandaan mo yung sinabi ko sayo kanina, kahit anong mangyari hidi kita makakalimutan, sana ako din sayo.
Mahal kita.
Nagmamahal,
Raphael Mendoza
Napatulala ako sa nabasa ko, ano 'to?
Hanggang sa unti unting pumapasok yung idea sa utak ko, si Raprap, yung picture, si Kuya Nico, si Annalise, lahat sila magkakaugnay.
Kaya napunta dito si Raphael dahil si Kuya ang dahilan.
Yung bestfriend na iniiyakan dati ni Kuya Nico si Raphael yun.
At yung pinsan ni Annalise na comatose, siya rin yun.
Agad akong tumayo at lumapit sa laptop ko, agad kong sinearch yung about sa kaluluwa na naglalakbay pero nakakabalik din sa katawan nila.
Nanlumo ako sa nakita ko
Malaki ang posibilidad na makalimutan ng taong yun yung mga nakasalamuha niya nung multo pa siya, malaki ang posibilidad na makalimutan ako ni Raphael!
Agad akong tumakbo palabas ng bahay, nakita pa ako ni Annalise at tinawag ako pero hindi ko siya pinansin.
Nagtungo ako dun sa puno ng accacia at nagsisisigaw dun
"RAPHAEL LUMABAS KA DIYAN! IPALIWANAG MO 'TO!" Sigaw ko habang nabuhos yung mga luha ko
"RAPHAEL! HARAPIN MO KO!" Sigaw ko parin ngunit walang nalabas
"RAPHAEL!" Tawag ko, sa pagkakataong ito, lumabas siya
"Raphael ano 'to?! ANONG IBIG SABIHIN NITO?!" Sigaw ko sakanya habang marahas na pinupunusan yung mga luha ko
Hindi siya sumagot sa halip nginitian niya lang ako
"WAG MO KONG NGITIAN! HINDI PORKET GWAPO KA LIGTAS KA NA SA PAGPAPALIWANAG SAKIN!" Sigaw ko habang iyak ng iyak
Lumapit ito sa akin ang ngumiti
"Basta tandaan mo, hinding hindi kita makakalimutan Annika Zayn Fuentabella" Sabi niya
Natigil ako sa pagiyak ng mapansin kong unti unti na siyang naglalaho
"Ralph" Akmang lalapit ako ng pigilan niya ako
"Stay there Annika. Babalikan kita" Sabi niya hanggang sa tuluyan siyang mawala
Napatulala ako. Maya maya naglabasan nanaman yung mga luha ko
"RALPH! HINDI MAGANDANG BIRO YAN! LUMABAS KA NA DITO!" Sigaw ko habang nagpapadyak sa labas
"RAPHAEL! SASABUNUTAN TALAGA KITA! LUMABAS KA DITO!" Sigaw ko, nanlalabo na ang mga mata ko sa luha
"Ralph" Bulong ko. Napaupo naman ako sa lapag
"ANDAYA MO NAMAN EHH! AKALA KO BA HINDI MO KO IIWAN? NANGAKO KA EHH! DIBA NANGAKO KA?! ANO 'TO?! BAKIT MO NILAYASAN?! RAPHAEL! " Sabi ko habang naglulupasay
Nakaramdam naman ako ng kamay sa magkabila kong balikat, agad akong lumingon sa pagaakalang si Raphael iyon
"Annalise" Banggit ko sa pangalan niya
Niyakap niya ako na mas lalong nagpaiyak sa akin.
----------
Azryl: So ayun, dapat romance na may pagkadrama 'to ehh. Pero huwaw, #SuperDuperSabawNgBuongKwento
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Nouvelles"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...