Tawa ako ng tawa habang pauwi kami ni Raphael, hindi alantana na baka may makakita sa akin at isiping baliw ako.
"Loko" Sabi ko sakanya habang natawa padin
"Oo nga gento pa sabi niya" Sabi nito at nilinis ang lalamunan "Humanda sakin si Fafa Raphael pag nakita ko siya!" Sabi niya sa ipit na boses
Tumawa nanaman ako dahil sa ginawa niya, ikinikwento niya kasi yung bago niyang naalala, habulin daw siya ng bakla dati.
"Tama na yan, baka umiyak ka mamaya" Awat niya sakin at pinunasan ang mga luha sa mata ko
Napatigil ako sa ginawa niya. Tinignan ko ang mukha niya, oo gwapo siya, ang ganda ng mata, ilong at labi, kaso multo nga lang.
Napakurap ako at dinistansya ang mukha ko sa mukha niya, ngumisi ito
"Uwi na ko Ralph, magrereview pa ko para sa mid-terms" Sabi ko at tinalikuran na siya.
Pag dating ko sa bahay nakita ko si Kuya Nico at Annalise sa sala ng bahay, mukha silang nagtatalo
"MERON KA BANG ITINATAGO SA AKIN ANNALISE?! SABIHIN MO!" Galit na sigaw ni Kuya
Matapang na hinarap ni Annalise si Kuya Nico "Eh ano naman sayo kung may tinatago ako? Kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit ako andito? Ano naman sayo? Ha?! Ano naman?!" Sigaw din nito at lumabas ng bahay
Sinundan ko ng tingin si Annalise, nang hindi ko na siya makita nilingon ko si Kuya Nico.
"Bakit ka ganyan Kuya? Bakit lahat nalang idinadaan mo sa galit at sigaw?" Tanong ko sakanya, hindi parin kami nagpapansinan at naguusap ni Kuya Nico mula ng makita niya yung libro ni Tatay
"Wag kang makialam dito Annika" Matigas niyang sabi
Lumapit ako sakanya at tinitigan siya sa mata
"Kung ayaw mo mawala sayo ang mga mahal mo, matuto kang maging mature Kuya Nico, matanda na kana" Sabi ko sakanya
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyugyog
"WALA KANG ALAM ANNIKA! WALA!" Sigaw niya sa mukha ko
"OO KUYA WALA AKONG ALAM! TALAGANG WALA!" Sigaw ko rin pabalik sakanya
"Wala kang alam, wala" Mahina niyang sabi, narinig ko ang mga hikbi niya. Hinawakan ko siya sa braso
"Ipaalam mo sa akin Kuya, sabihin mo" Sabi ko sakanya
"Annika, kaya ako nagkakaganito kasi ayoko kayong mawala. Kayo ni Nanay ni Annalise, ikaw, ayokong mawala kayo, ayokong matulad kayo kay Raprap" Sabi niya
Raprap? Raprap Mendoza? Yung nasa libro?
"Anong nangyari kay Raprap Kuya?" Tanong ko
Umangat ang mukha niya, saglit siyang natigilan at umalis sa harap ko. Iniwan niya akong naguguluhan.
Nasa kwarto na ako at nakaharap sa laptop ko, kilala ni Kuya si Raprap Mendoza, yung nasa picture, pero anong nagyari sakanya?
Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko, napaamang ang bibig ko
"Raphael" Banggit ko sa pangalan niya
"Ayos ka lang? Bakit ka tulala?" Tanong niya
Tumango ako. Umupo siya sa mesa at tinitigan ako
"Sure ka ba?" Tanong niya, ngumiti ako tsaka tumango
"Bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka?" Tanong ko
"Guess what?" Masigla niyang sabi
Tinaasan ko siya ng kilay, may pa guess what guess what pang nalalaman.
"Wala ako sa mood para makipaganuhan sayo" Sabi ko at umirap
"Eto naman ang init ng ulo" Sabi niya at nguniti "May naalala na ko" Dagdag niya, napaharap ako sakanya
"Lahat? Naalala mo na lahat?" Tanong ko
"Uhh hindi naman. Kung pano lang ako namatay" Sabi niya sa pantay na tono
Agad naman akong tumakbo at kinuha ang sticky note at ballpen sa bag ko. Bumalik ako sa kinauupuan ko.
"Pano ka namatay Raphael Mendoza?" Tanong ko
"Nabangga ako ng kotse, I don't know kung sadya o hindi. Basta alam ko nasa tapat ako ng kotseng naandar pero hindi ako umalis" Kwento niya
Isinulat ko iyon sa sticky note, pag tapos nun ay tumingala ako sakanya
"So, you mean nagpakamatay ka?" Tanong ko
Huminga siya ng malalim. "No I'm not. Masaya ako sa buhay ko at wala akong dahilan para magpakamatay. I have a loving parents and a cousin na sa amin nakatira, I also have my bestfriend, kaya hindi ko alam kung bakit ganon ang pagkamatay ko" Mapaklang kwento niya
"Ralph" Sambit ko
"Gusto kong magalit sa nakabangga sakin, gusto ko din siyang patayin. Nang dahil sakanya hindi na kita makakasama ng matagal, matatapos agad ang pagkakaibigan natin, gusto ko siyang patayin Annika, gustong gusto ko" Sabi niya habang natulo ang mga luha.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Short Story"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...