Tuluyan ng nabulunan si Annalise at ubo na siya nang ubo. Agad naman akong lumapit sa kanya at hinagod ang likod niya
"Uyy okay ka lang?" Tanong ko at inabutan siya ng tubig. Ang totoo hindi naman talaga sinabi ni Kuya yung pangalan ng nililigawan niya, pero base sa reaksyon ni Annalise mukhang tama ang hinala ko
"S-siguro, pasok na tayo" Aya nito sa akin, agad naman akong tumango
Kukuhain ko ang bag ko sa kwarto. Pag pasok ko rito ay tumungo agad ako sa study table para kunin yung bag ko, pero naagaw nung litrato yung pansin ko.
Dinampot ko iyon at tinignan, Raprap Mendoza. Teka Mendoza? Diba Mendoza din si Annalise?
"I'm Annalise Mendoza Laurent"
Umiling nalang ako, nako Annika, tsaka mo na problemahin yan, si Raphael muna ang asikasuhin mo.
Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko si Annalise na naghahanda na din
"Tara na?" Aya ko at ngumiti, tumango naman ito sa akin
Lumabas na ako at nakasunod naman sa akin si Annalise, nakita ko si Nanay na nagwawalis
"Nay, alis na ho kami ahh" Paalam ko at nagmano na, nagmano din si Annalise
"Oh siya, magiingat kayo ahh?" Paalala nito, sabay kaming sumagot ni Annalise ng 'opo'
Naglalakad na kami papunta sa Barangay Multuhan, doon pa kasi kami sasakay.
"Pasensya ka na ahh? Maglalakad pa tayo" Natatawa kong sabi
"Ano ka ba okay lang" Sabi din nito nang natawa
Malapit na kami sa sakayan ng jeep nang matanaw ko ang kumpulan ng mga tao
"Anong meron?" Tanong ni Annalise sa tabi ko, napalingon naman ako sakanya at nagkibit balikat
Nagtuloy tuloy kami sa paglalakad at natanaw ko ang iilang jeepney driver at mga barker
"Kuya anong meron?" Tanong ko sa isa sa mga barker, lumingon naman ito sa akin
"Yung last trip kagabi na papunta dito sa Barangay Multuhan naaksidente. Ayun patay lahat ng pasahero pati yung driver" Sagot niya at iniwan ako
"Hala kawawa naman" Rinig kong sabi ni Annalise
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko, nagtaasan lahat ng balahibo ko. Yung last trip na jeep kagabi, nadisgrasya.
"BUMABA KA NA DIYAN! NGAYON NA!"
Kaya pala, eto yung vision ni Kuya Nico kahapon.
Bumalik lang ako sa wisyo ng hinawakan ako ni Annalise sa balikat
"Ayos ka lang?" Alala nitong tanong, tumango ako ng sunod sunod sakanya.
--------
Azryl: So ayun, po tinatamad akong magtype, ay actually wala akong maitype, writer's block sucks *le cries*
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Short Story"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...