Kasabay kong maglakad si Raphael papunta sa bahay
"Hoy Raphael, wag kang magpapakita kay Nanay at Kuya ahh" Bulong ko sakanya, tumango lamang ito at ngumiti
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Kuya at Annalise na nagaaral
"Uyy Annika andyan ka na pala, nabili mo ba yung bibilhin mo?" Tanong ni Annalise nang nakangiti
Umiling ako "Wala daw silang ganon ehh" Pagsisinunggaling ko. Lord, sana po hindi masunog yung kaluluwa ko sa impyerno sa kakasinunggaling ko.
"Si Nanay?" Pagiiba ko nang usapan
"Umalis ehh, di ko alam saan nagpunta" Sagot ni Kuya, tumango nalamang ako at dumiretso siya kwarto ko.
Napaupo ako sa kama ko at bumuntong hininga
"Ayos ka lang?" Tanong ng bagong sulpot na si Raphael
"Oo" Sagot ko
Kinuha ko yung kahon na galing kay Tatay, alam ko kasi para sa mga multo to.
"Ano yan?" Tanong ni Raphael habang nakadungaw sa mga libro
"Libro" Sagot ko, ipinatong ko naman iyon sa study table ko
"So Raphael, wala ka parin bang naalala kahit katiting?" Masungit kong tanong, kumunot naman ang noo niya
"Base kasi sa sinabi ng teacher ko, makakaalala naman daw ang mga multo by the time passed, so wala ka bang naalala?" Taas kilay kong sabi
"Wala" Diretso niyang sabi
"Ilang linggo ka na bang andito sa Barangay na to?" Tanong ko muli
"Nung una kitang makita, yun din yung pag dating ko dito" Sagot niya, napaisip ako
"So wala pang one week?" Tanong ko rin sakanya, tumango ito
"Ayon ulit sa teacher ko maaring mapunta ang isang kaluluwa sa isang lugar" Sabi ko at tinignan siya "Baka kasi andun yung rason kung bakit sila namatay o andun yung unfinished business niya" Pagpapatuloy ko
"Andito yung rason kung bakit ako namatay?" Nanlalaking matang tanong niya
"O yung unfinished business mo" Saad ko
Umupo ako sa kama at tinignan siya
"Magantay tayo ng one week. Tignan natin kung kusang babalik yung alala mo. Pero kung hindi, hihingi na tayo nang tulong kay Kuya Nico" Sabi ko
Ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis
"Okay"
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Short Story"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...