Chapter 9

529 11 5
                                    

"Ralph ba ang pangalan ng kaibigang sinasabi ni Nanay? Or should I say kaibigang multo?" Madilim ang mga mata niya ng sinabi niya sa akin to.

"W-what? No!" Mabilis kong tanggi

"Sino yung kausap mo kung ganon?" Nakataas kilay niyang tanong

Napatigil ako, I'm sorry Kuya, pero naguiguilty ako sa sinabi ko kay Ralph kaya tutulungan ko siya.

"Nagprapractice lang ako ng lines. May role playing kasi" Pagsisnungaling ko

Tinitigan ako nito na para bang inaalam kung nagsisinunggaling ako. Theater actress ako kaya keri to ng powers ko.

"Sige matulog ka na, wag magpupuyat. Goodnight" Sabi ni Kuya at hinalikan ako sa ulo

"Goodnight din Kuya" Sabi ko bago isarado ang pinto

Napasandal ako dito at bumuntong hininga. Hayst, sorry Kuya.

Umupo ako sa paanan ng kama ko at kinuha ang kahon sa ilalim nito.

Hinipan ko ito dahil puno na ng alikabok, hindi ko na maalala kung kelan ko to huling binuksan ehh.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang ilang litrato ni Tatay, mga sulat at ilang libro niya.

Namatay si Tatay nung sampung taon palang ako. Ang sabi ni Nanay namatay daw ito dahil sa isang aksidente, pero hindi ako naniniwala.

Nakita ko tong kahon na to sa gamit niya, may nakaipit dito na nagsasabi na ibigay daw ito sa akin kapag namatay na siya, hindi ko alam kung alam ba nila Nanay ang tungkol dito pero hindi ko nalang ipinaalam na na sa akin na to.

Kinuha ko ang isang tela, binuksan ko ito

Isa siyang kwintas na ang pendant ay isang maliit ng bote at may mga hugis luha na nasa loob nito.

Dinampot ko ang isa sa mga libro, hindi ko kasi maintindihan ang nakasulat dito, pero alam ko para sa mga kaluluwa to dahil may note sa baba.

Binuksan ko ito at nagbasa basa. Sa paglipat ko ng pahina ay may nahulog doong papel.

No, hindi pala papel, kundi isang litrato.

Mukhang matagal na ito dahil halos mabura na, pero sigurado ako na si Kuya Nico ang nandoon at may isa pang bata na halos kasing edad niya

Parang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko nakita, baka isa sa mga kaibigan ni Kuya Nico na dinadala niya dito sa bahay

Binliktad ko ang litrato at may nakasulat doon

Nic-nic Fuentabella & Rap-Rap Mendoza, 2002

Rap-Rap Mendoza? Ngayon ko lang yun narinig ahh?

2002, 4-years old ako nito. Bali 5-years old sila Kuya Nico nito. Pero sino tong kasama niya dito sa picture?

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon