Chapter 26

486 12 7
                                    

"Ipagpapaliban muna natin yung pagpunta natin sa Maynila Nika, baka bukas o sa susunod na araw nalang" Sabi ni Annalise sa akin

Nasa sala kaming lahat ngayon. Ako, si Nanay, si Kuya Nico at si Annalise. Ilang minutong walang nagsasalita sa amin, ngunit binasag ko na ang katahimikang iyon

"Hindi na ko pupunta sa Maynila, aantayin kong bumalik si Raphael dito" Wala sa sarili kong sabi

"Pero Nika, kailangan mong magOJT para makatapos ka ng third year" Sabi ni Annalise

"Hindi na ko magaaral. Aantayin---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng sinampal ako ni Nanay. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Para namang nagising ang natutulog kong diwa.

"Ano Annika? Hindi ka na magaaral? Nang dahil lang diyan sa Raphael na yan ititigil mo na ang pangarap mo? Nahihibang ka na ba?" Puno ng hinanakit na sabi ni Nanay

Napayuko naman ako habang tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko, hindi tama yung sinabi ko, magaaral ako, magaaral ako para kapag nakagraduate na ko hahanapin ko si Raphael, tama, ayon ang gagawin ko.

"Pasesenya na Nay. Magaaral po ako, magtatapos ako" Sabi ko at tumingala

Ilang minuto kaming nagtitigan dun hanggang sa naisipan ko ng alamin ang lahat

ang lahat ng koneksyon at alam nila kay Raphael.

Agad akong tumayo at kinuha yung litrato ni Kuya Nico at Raphael.

Pagka upong pagka upo ko agad kong inilagay sa harap nila yung litrato nila, yung mga sticky note na nakadikit sa bintana ko na naglalaman ng mga alaala ni Raphael at higit sa lahat yung sulat niya.

"Hindi ko alam pero ramdam ko, ramdam ko na si Raprap Mendoza at si Raphael ay iisa" Panimula ko

Nagkatinginan naman silang tatlo

"Gusto kong malaman lahat. Mula umpisa hanggang dulo. Walang labis walang kulang" Determinado kong saad

Hinawakan naman ni Nanay ang kamay ko "S-sigurado ka ba anak?" Tanong nito, tumango ako. Bumuntong hininga si Kuya Nico

"Umpisahan na natin" Sabi niya diretso sa mata ko

Naglalaro ang limang taong gulang na si NicNic Fuentabella at RapRap Mendoza sa hardin ng mga Mendoza. Matalik na magkakaibigan ang mga magulang nito kaya't ganon din sila.

Dumating ang isang batang babae na kasing edad din nila, si Annalise.

"Hayan na si Kuto!" Natatawang sabi ni Raphael

"Hindi nga ako Kuto!" Sigaw ng batang Annalise

"Kuto ka kaya, AnnaLICE, Kuto" Sabi niya at tumawa

Bakas naman sa mukha ng batang Annalise na iiyak na ito kaya agad siyang nilapitan ng batang Nico

"Ang sabi sa akin ni Tatay wag daw magpapaiyak ng babae. Raprap pinasan mo si Annalise dapat hindi mo siya niaaway" Nakasimangot sa sabi ng batang Nico

Natatawa namang lumapit ang batang Raphael kay Annalise

"Siyempre, mahal na mahal ko parin itong si Kuto kahit Kuto siya" Malapad ang ngiti ng batang Raphael ng sinabi niya ito

Tinulak naman siya ng batang Annalise at pumasok ito sa loob ng mansyon ng mga Mendoza.

"Pero, bakit hindi ko sila kilala. Isang taon lang naman ang tanda mo sa akin Kuya" Nagtataka kong tanong

"Hindi ka kasi nakakapunta ng Maynila kasi nasuka ka sa bus, kaya lagi kang naiiwan sa Tita Josie mo" Sabi ni Nanay

Nang sila ay maghighschool lumipad patungong ibang bansa ang binatang Raphael, naiwan sa Pilipinas ang binatang Nico. Ngunit nangako sila na magkikita sila pag dating ng panahon.

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon