Chapter 2

719 12 0
                                    

Agad akong tumayo at lumabas ng bahay habang nagsisisigaw.

"KUYA NICO! KUYA! AHHH! KUYA!"

Paulit ulit kong sigaw hanggang sa dumating ang nanay

"Annika anong nangyayari sayo?" Taka nitong tanong habang niyuyugyog ako ng mahina

"N-nay, y-yung lalaki, andyan yung lalaki!" Natataranta kong sigaw

"Anong lalaki? Sino?" Nakakunot nitong tanong

"Yung lalaki sa puno ng accacia! Yung sa may kabilang kanto!" Sabi ko

Niyakap naman niya ako at inalo

"Shh, tahan na Annika, wala lang yun" Sabi niya

Hindi na ako lumabas ng kwarto, ginagawa ko ang mga assignments ko nang lumitaw nanaman yung lalaki

My lips parted and my eyes widen.

Agad naman siyang lumapit sa akin at inilagay ang hintuturo niya sa bibig ko.

"Shh, hindi kita sasaktan. Makinig ka naman kasi sakin!" Impit niyang sigaw sa akin

Napatango lamang ako sakanya ng sunod sunod.

Dumistansya naman ito sa akin at umupo sa kama ko, nasa study table kasi ako.

"So ayun, tanging Raphael lang ang kita dito sa name plate ko, I'm Raphael" Pagpapakilala nito

"Annika" Pagpapakilala ko rin

"So Annika, do you know me?" Tanong nito, napataas ang kilay ko

"Hindi. Hindi kita kilala, ngayon nga lang kita nakita ehh, I mean mga three days ago na ata" Sagot ko

"Etong uniform ko? Pamilyar ba sayo?" Tanong niya muli

"Hindi rin. Dalawa lang ang school dito, at puro public pa. Walang ganyan dito" Sagot ko muli

Natahimik ito at inilipat ang tingin sa sahig

"Wala ka bang maalala?" Taka kong tanong, napabalik ang mga mata niya sakin

"Wala" Sagot niya at umiling

Tumango ako. Sabagay, sa mga nababasa kong libro wala naman talaga naalala ang mga namatay na

"Pero ang pinagtataka ko, bakit wala kang dugo, I mean, you know" Sabi ko dito, tumawa naman siya

"Kahit ako nagtataka bakit hindi nakakatakot ang itsura ko, ang gwapo ko nga ehh" Pagmamayabang nito, napataas ang kilay ko

"Excuse me? May multo palang mahangin" Sabi ko at ngumisi, nagseryoso naman ang mukha nito

Humakbang ito papalapit sa akin at pinakatitigan ako, napalunok naman ako.

Itinapat niya ang mukha niya sa akin

"Help me to remember my unfinished business" Bulong nito

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon