Chapter 25

417 6 0
                                    

Inabutan ako ni Nanay ng tubig, agad naman silang tumabi sa akin ni Annalise. Samantalang si Kuya Nico ay nakatitig lang sa akin ng mariin.

"Annika ano bang nangyayari sayo?" Nagaalalang tanong ni Nanay habang hinihimas ang likod ko

"Nay si Raphael po, Nay si Ralp!" Napataas ang boses ko, sumabay din ang mga luha kong naguunahan sa pag agos

"Annika, sino si Ralph?" Tanong ni Annalise na nasa kanan ko

Napailing lang ako habang tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko. Ang daming tanong na natakbo sa utak ko. Wala akong maintindihan! Bakit ganon? Bakit naglaho si Raphael? Bakit siya naging multo? Marami akong katanungan ng hindi ko kayang masagot.

"Ang mabuti pa anak magpahinga ka na. Annalise samahan mo muna siya sa kwarto niya" Sabi ni Nanay. Agad naman akong tinulungan ni Annalise tumayo at sinamahan niya ako hanggang sa makatulog ako.





Kinabukasan, alas sais palang ng umaga andito na ako sa tapat ng puno ng accacia, pinagmasdan ko ito at ilang saglit lang pinagsusuntok ko yung katawan ng puno.

"RAPHAEL! LUMABAS KA DIYAN! KUNG KAGABI PINAGBIGYAN KITA NGAYON HINDI NA! RAPHAEL!" Sigaw ko habang paulit ulit na sumuntok

Hindi ko ininda yung sakit ng mga kamao ko, mas nadarama ko yung sakit sa dibdib ko ng dahil sa pagiwan sa akin ni Raphael.

"Ang daya daya mo Raphael! Sabi mo mahal mo ko! Sabi mo hindi mo ko iiwan! Asan ka ngayon?! Bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin?! Naiinis na ko sayo ahh!" Umiiyak kong sabi

"Hindi porket gusto din kita palalagpasin ko 'tong pangeechos sakin! Ayoko ng ganito. Prinsesa ako ng Kuya ko kaya wala kang karapatang saktan ako!" Sigaw ko muli, iyak lang ako nang iyak hanggang sa mapaupo ako sa lupa

"Andaya mo, sobra. I hate you Raphael, I hate you" Sabi ko pa

Ilang minuto din akong nakaupo doon habang nagiiyak na parang tanga. Hindi ko lubos maisip na iiwan ako ni Raphael, akala ko habang buhay na siyang nasa tabi ko, kasi ako kung ako ang tatanungin kaya kong mabuhay sa tabi niya ng habang buhay, pero akala ko lang pala, iiwan at iiwan niya parin pala ako.

Naramdaman kong may umalalay sa akin patayo at agad ako nitong niyakap habang pinapatahan ako

"Hindi magugustuhan ni Raphael 'yang ginagawa mo" Bulong ni Kuya Nico sa tenga ko

Niyakap ko din si Kuya habang patuloy parin sa pagiyak

"Ang daya daya ng bestfriend mo Kuya, iniwan niya ko sa ere" Sumbong ko kay Kuya Nico

"Alam mo meron akong vision na nakita kanina" Sabi niya at kumalas sa yakap ko, pinunasan niya yung mga luha ko

"Wala na akong panahon para diyan Kuya" Sabi ko habang nahikbi padin

"Alam mo na nakita ko kayo ni Raphael?" Sabi niya at nginitian ako dahilan para kumunot ang noo ko "Nakita ko na magkikita rin kayo sa hinaharap, at tutuparin niya yung pangako niyang hindi ka niya makakalimutan at dadalhin ka niya habanh buhay sa puso niya" Dagdag pa ni Kuya

"A-ano?" Nauutal kong tanong

Niyakap naman ulit ako ni Kuya at binulungan "Magtiwala ka lang kay Raprap, tiwala lang."

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon