Kukurap kurap pa ako nang bumangon ako mula sa pagkakahiga, ayoko talaga pag pang umaga yung klase.
Kinuha ko yung tuwalya ko na nakasabit sa likod ng pinto at lumabas na ng kwarto.
Ngunit natigilan ako nang makitang may bisita sa bahay, yung totoo alas sinco lang ng madaling araw ahh?
Natawag ko naman ang pansin nila kaya napalingon sila sa akin, ngumiti yung babae sa tabi ni Kuya Nico
Lumapit ako at umupo sa tabi ni Nanay
"Nika eto si Annalise" Pakilala ni Nanay dun sa babae na katabi ni Kuya
Lumingon ako sa kanya nang may nanlalaking mata
"Nay, wag mong sabihing kapatid namin siya ni Kuya Nico?!" Exaggerated kong sabi
Narinig ko namang ang mahinhin na tawa ni Annalise at ang pagbulong ni Kuya Nico ng 'ang tanga talaga'
Binatukan ako ni Nanay kaya napahawak ako sa ulo ko
"Gaga! Kaibigan yan ni Kuya Nico mo! Tulog ka pa ata ehh!" Sabi nito nang pinanlilisikan ako ng mata
Ngumuso ako. Inilipat ko ang tingin kay Annalise, maganda ito, mukha siyang British kasi medyo brown ang buhok niya at ang puti pa.
"Kailangan din ba kitang tawaging Ate?" Naasiwa kong tanong, tumawa naman ito
"No need. Magiging magkaklase lang din naman tayo sa med school mo" Sabi niya at ngumiti
"Mag dodoctor ka?" Tanong ko, tumango naman ito
"Oh, where's my manners" Mahinhin niyang sabi "I'm Annalise Mendoza Laurent, I'm half Filipino half British. 20 years old, and I'm taking medicine" Pagpapakilala nito
"Annika Fuentabella" Pakilala ko rin at ngumiti
"Maligo ka na dun nakakahiya ka may laway ka pa sa pisngi" Sabi ni Kuya Nico sa akin, tinignan ko lang siya nang masama
Tumayo na ako sa pagkakaupo at pumunta ng banyo.
Pagkatapos ko maligo at magbihis dumiretso na ko sa hapag namin, nakita ko si Nanay at Annalise na naghahanda na
"Nay si Kuya?" Tanong ko
"Nauna nang umalis, kayo nalang daw ni Annalise magsabay pumasok" Sabi ni Nanay
"Sure" Sabi ko at ngumiti
Sabay sabay kaming kumakain ng may pumasok na tanong sa isip ko
"Ahh, Annalise, anong relasyon niyo ni Kuya?" Tanong ko, nabulunan naman siya
Agad naman siyang inabutan ni Nanay ng tubig at hinagod ang likod
"Walang aagaw sayo ng pagkain, grabe to" Natatawa kong sabi
"A-ahh magkaibigan kami ni Zen, oo tama magkaibigan" Sabi nito ng hindi makatingin sa akin ng diretso
"Weh?" Tanong ko at ngumisi
Alangan naman itong ngumiti sa akin at sabay sabing "Oo, magkaibigan lang talaga kami"
Tumango tango ako kahit hindi ako kumbinsado sa sagot niya
"May nililigawan daw kasi siya" Kwento ko at tumingin sakanya "Annalise daw ang pangalan niya ehh" Dagdag ko at nginisihan siya ng makahulugan.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Cerita Pendek"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...