Chapter 21

410 9 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng room, kailangan kong nalaman kung anong nangyayari kay Raphael, may nabasa kasi ako na habang tumatagal ang pananatili ng kaluluwa sa lupa mas naproprone sila na maging masamang espiritu.

Nagulat ako ng may umihip sa tenga ko

"Hi Annika" Nakangiting bati sa akin ni Raphael

"Ralph, tara na uwi na tayo?" Sabi ko at ngumiti sakanya

"Annika, pwede bang humiling sayo?" Tanong nito, agad naman akong tumango

"Pwede bang maglakad tayo habang pauwi?" Sabi niya at ngumiti

"Huh? Malayo itong University sa bahay" Sagot ko, bumuntong hininga naman ito

"Sige na. Tara na sa sakayan ng jeep" Sabi nito at ngumiti

Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep kung ano ano ikinikwento niya.

Mahilig daw siya sa Chuckie at Stick-O. Mahilig din daw siyang mag golf. Mahilig din daw siya magbake, at kung ano ano pang mga alaala na naaalala na niya.

Pagdating ko sa sakayan ng jeep agad naman akong sumakay, tumabi naman sa akin si Raphael

"Uh? Hindi ata ako welcome dito" Sabi niya, napatingin naman ako sakanya at sa paligid

Oo nga, punuan kasi ito bago umalis, walang mapwepwestuhan si Raphael.

Dali dali naman akong kumuha ng sixteen pesos sa coin purse ko at inabot sa driver

"Kuya bayad po, dalawa" Sabi ko, napatingin naman yung mga nasa loob ng jeep

"Dalawa ineng? Eh isa ka lang naman, sayang itong otso" Sabi nung driver, napatingin naman ako kay Raphael, ngumiti ito sa akin at akmang aalis ng hawakan ko siya

"Hindi kuya dalawa na, ayoko kasi kapag nasisiksik ako" Sabi ko at ngumiti

Habang nabiyahe nagdadaldal parin si Raphael, tanging tipid na ngiti at tango lang ang nagagawa ko.

Maya maya siniko niya ako

"Hindi ka ba interesado sa kinukwento ko?" Tanong niya

Agad ko namang kinuha yung notebook at ballpen ko at nagsulat ng

maraming tao

Tipid naman itong tumango at ngumiti.

Pag dating namin sa terminal na bababaan agad kaming bumaba ni Raphael, pero hindi pa ako nakakababa ng tuluyan ng may humawak sa braso ko

"Hangga't maaga pa lumayo ka na, habang hindi ka pa nahuhulog. Dahil sa oras na mahulog ka sakanya malaking gulo ang kabibilangan mo at ng pamilya niyo" Sabi nung matanda habang nakatingin ng diretso sa mata ko

"Ho? Ano po?" Taka kong tanong

"Dalawa ang anino mo Hija, alam kong may kasama ka, iwasan mo siya habang maaga pa" Sabi niya bago binitawan ang braso ko

Habang naglalakad kami papuntang Barangay Multuhan nang magsalita si Raphael

"Ayos ka lang ba Annika? Tulala ka ahh, wag mo nalang siguro pansinin yung sinabi nung matanda" Sabi niya at ngumiti

"Oo naman" Sabi ko at ngumiti rin sakanya

Nang nakarating kami sa bahay nakita ko si Kuya Nico at Annalise sa may gate, mukha ata silang naguusap.

"'Wag kang umalis Annalise please" Pakiusap ni Kuya

"Babalik ako wag kang magalala, isasama ko rin si Annika" Sagot naman ni Annalise

"Please, wag na kayong umalis" Pakiusap muli ni Kuya ngunit hindi siya pinansin ni Annalise at pumasok na ito sa loob ng bahay

Napansin naman niya na nakatayo ako malapit sakanya, hindi rin ako nito pinansin, umalis lamang siya

"Nicnic" Rinig kong bulong ni Raphael kaya napalingon ako sakanya

"Ano?"

----------
Azryl: Merry Christmas everyone!❤

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon