Pagkapasok ko ng bahay nadatnan ko si Nanay na nanood ng TV
"Oh asan na yung kaibigan mo?" Tanong nito at tila may hinahanap
Lumapit ako sakanya at nagmano
"Umuwi na, may kailangan pa daw siyang gawin" Sagot ko at tumungo sa kwarto para magbihis
Nang lumabas ako ay andun na din si Kuya Nico na nakaupo sa hapag
"Oh Nika kain na" Aya sa akin ni Nanay, umupo na din naman ako sa upuan ko
Umupo na rin si Nanay sa upuan niya. Pabilog ang mesa namin kaya magkakaharap kami. Six seater ito.
"Nay, ano yan?" Tanong ni Kuya habang tinitignan yung ulam, napatingin din ako
"Nay bakit itim?" Tanong ko rin
"Ano ba kayo! Suso yan! Masarap yan. Kumain na kayo ang dami niyo pang arte" Sabi ni Nanay at ipinagsandok na kami ng kanin
Tinitigan ko lang yung suso daw na ulam. Pano to kainin?
Kinagat ko ito pero antigas
"Nay, wala na ba tong ititigas pa?" Nakangiwi kong tanong
Nagangat naman si Kuya at Nanay ng paningin sa akin. Si Kuya Nico kasi sabaw lang yung kinakain.
"Boba ka talagang bata ka noh! Sinisipsip yan!" Sabi niya at binatukan ako, napanguso naman ako
"Malay ko ba" Bulong ko
Natapos na kami kumain kaya nagsimula na rin akong magligpit
"Nay ako na maghuhugas" Sabi ko rito
"Wag na ako na. Dun ka nalang sa sala" Pagtataboy nito sa akin
"Ako na Nay. Mamaya sabihin mo nanaman masama ugali ko" Sabi ko nang nakanguso, tumawa naman ito
"Dun ka na" Sabi nito at ngumiti
Sinunod ko nalang si Nanay at pumunta sa sala. Nakita ko roon si Kuya Nico na nagpapalipat lipat ng channel sa TV.
"Kuya masisira yan" Saway ko, pero nagtaka naman ako ng hindi ako ako nito pinansin at tila tulala
"Kuya" Tawag ko rito, pero tulala padin
"Kuya Nico" Tawag ko ulit, pero gaya kanina hindi parin ako nito pinansin
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inilapit ang bibig ko sa tenga ni Kuya
"NICHOLAS ZEM FUENTABELLA!" Sigaw ko sa buong pangalan niya na ikinagulat niya
"Ano ba yan Annika?! Kailangang sumigaw?!" Sigaw din nito sa akin, nginisihan ko siya
"Binusted ka ba Kuya ng nililigawan mo? Brokenhearted ka ba? Bakit tulala ka?" Sunod sunod kong tanong
"Manahimik ka Annika" Masungit nitong sabi
Tumawa ako at muling bumalik sa pagkakaupo. Siyang pagdating din naman ni Nanay.
"Nico, alam mo bang may kaibigan yan si Nika" Kwento ni Nanay, parang nawalan ata ako ng dugo sa mukha, patay!
"Meron naman talaga Nay ahh, yung mga kaklase niya" Balewalang sagot ni Kuya
"Hindi. Lalaki siya. Andito kanina" Pagsalungat ni Nanay kay Kuya Nico, napatingin naman ito sa amin
"Lalaki? Sino?"Kunot noong tanong niya at tinignan ako nang makahulugan
"Ano ngang pangalan nun Nika?" Baling din sa akin ni Nanay
Patay na talaga ako nito!
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Short Story"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...