Nangangatog nanaman yung mga tuhod ko nang mapadaan ako sa puno ng accacia. Napahigpit din ang kapit ko sa strap ng backpack ko.
Bumagal ang paglalakad ko nang makita ko nanaman yung lalaki sa puno ng accacia, akmang lalagpasan ko na siya nang pinigilan ako ito
"Miss" Bulong nito
Ramdam ko ang malalamig na kamay nito. Alam kong di siya ordinaryo.
"Bitawan mo ko, nananapak ako" Banta ko rito
Para naman siyang napaso sa akin at agad na bumitiw
"Nakikita mo ko?" Nanlalaking matang tanong niya, tinignan ko naman ito ng nagtataka
"Hindi ako nagpapasanib sa mga nag gagalang multo, kaya tigilan mo ko" Sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay
"Miss kailangan ko talaga ng tulong mo" Pagsusumamo niyang sabi, nanatiling matigas ang reaksyon ko
"Look Miss, name your price, I can pay you" Dagdag niya pa
May dumaang tao kaya umakto akong normal, yung tila wala akong kausap. Nang makalagpas ito sa pwesto ko ay agad akong tumawa
"Kaya mo kong bayaran? Talaga? Eh multo ka na nga ehh" Mataray kong sabi
"I can. Kaya pwede tulungan mo ko?" Sabi nito
"Hindi ako natulong sa mga kagaya mo, kaya pwede lubayan mo na ako?" Sabi ko rito
"Look Miss, ikaw lang ang nakakakita, nakakarinig, nahahawakan ako. I know you're special" Saad nito
"Hindi ako monggoliod!" Sigaw ko sa kanya at iniwan siya
Tuloy tuloy ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Sumalubong sa akin ang Kuya ko
"Saan ka galing? Ba't ngayon ka lang?" Tanong nito
"Nahirapan akong sumakay Kuya ehh" Sagot ko dito at hinalikan siya sa pisngi
"Kumain ka na diyan, may pritong galunggong diyan" Sabi nito at lumabas ng bahay
Agad naman akong pumunta sa hapag.
Nagbihis muna ako at muling bumalik sa hapag upang kumain. Isusubo ko palang ang pangalawa kong subo nang makita ko kung sino ang nakaupo sa harap ko
Halos masamid ako ng sarili kong laway at mahulog sa upuan ko. Yung lalaki sa puno ng accacia!
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Short Story"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...