"Help me to remember my unfinished business" Bulong nito
Agad naman akong tumayo at itinulak siya
"Hindi ako marunong niyan" Sabi ko at lumapit sa may bintana ng kwarto ko. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa likod ko
"Tulungan mo ko Annika, kaluluwa nalang ako pero hindi parin ako matahimik" Sabi nito sa malumanay na boses, humarap ako dito
"Wala akong alam diyan Raphael, hindi ko alam ang gagawin ko" Sagot ko dito, hinawakan niya ako sa magkabila kong braso
"Tulungan mo lang ako makaalala" Bulong nito
Lumayo ako dito at umupo sa kama ko
"Hindi ako nagpapasanib Raphael" Sabi ko at tinitigan siya
"Hindi ako sasanib sayo, tulungan mo lang akong makaalala" Sabi niya at pumunta sa harap ko
Napabuntong hininga ako
"Hindi ka dapat sakin nahingi ng tulong" Sabi ko at tinignan siya "Kay Kuya" Dagdag ko
"Pero baka hindi ako makita ng Kuya mo" Katwiran niya, napatayo ako
"Paranormal expert si Kuya Nico, sigurado akong matutulungan ka niya" Pagpupumilit ko
"Annika please. Tulong mo ang kailangan ko" Pagmamakaawa nito
"Ano naman ang mapapala ko kung tutulungan kita?" Sabi ko na para bang naghahamon
"Gaya nang sinabi ko sayo, kaya kitang bayaran" Sagot nito, napataas naman ang kilay ko
"Pano ka nakakasigurado na kaya mo kong bayaran? Baka mas mahirap ka pa sa daga" Sagot ko, ngumisi ito
"Sa itsura kong to? Mukha kaya akong mayaman" Pagmamalaki nito
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Gwapo nga naman ito, kutis mayaman, maputi, makinis. Tsaka yung uniporme parang pang private school nga, malamang mayaman nga ito.
Ngmusi ito kaya napairap ako
"Malay mo may nagpapaaral lang sayo kaya sa private school ka nagaaral" Pagdadahilan ko
"Tingin mo?" Nakangisi nitong tanong
Humiga ako sa kama at tinitigan yung kisame ko
"Ayoko padin" Sagot ko sakanya
Nakita ko naman ang mukha niya sa tapat ng mukha ko. Multo talaga siya!
"Please" Sabi niya at nagpuppy eyes
"Ayoko"
"Please"
"Ayo---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makaramdam ako ng hangin sa mga labi ko
Ano yun?
Nakita ko si Raphael na medyo lumayo yung mukha sa akin
"A-anong g-ginawa mo?" Nanlalaking matang tanong ko
"Uhm, I just kissed you" Kibit balikat nitong sabi
"Leche ka!" Nangigigil kong sabi ngunit ngumiti lang siya
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Truyện Ngắn"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...