Papungas pungas pa akong tumayo sa higaan, may nakatok kasi.
Nilingon ko ang orasan sa side table ko 3am palang, sino naman ang kakatok sa akin ng ganitong oras.
Pag bukas ko ng pinto tumambad sa akin ang mga mugtong mata ni Annalise
"Annalise. Umiyak ka ba?" Tanong ko
Dirediretso lang ito sa pagpasok ng kwarto ko. Agad ko naman itong isinarado at dinaluhan siya sa kama
"Nika, pwede bang dito muna ako matulog?" Tanong niya, tumango naman ako at pinahiga na siya
Umakyat na rin at sa kama at tumabi sakanya, nanatili ang mga mata ko sa kisame
"Nika" Tawag nito
"Hmm?"
"Bakit ganon si Nico? Bakit ang dali niyang magalit? Hindi ko na siya kilala" Sabi niya at narinig ko ang mga hikbi niya. Nanatili ang mata ko sa kisame
"Alam mo ba never akong nasigawan sa bahay namin ng ganon, ngayon lang, at si Nico pa ang gumawa" Saad niya
"Bakit ka ba kasi pumunta dito?" Tanong ko katulad ng narinig ko kagabi
"Malungkot sa bahay. Sobra. Nakikitira lang kasi ako kila Tita. Alam mo ba, may pinsan ako na sobrang close ko, kaso comatose siya ngayon dahil nabunggo siya ng kotse. At ang mas masakit, dahil sakanya kaya siya comatose ngayon" Sabi niya at lalong lumakas ang iyak
"Dahil kanino?" Tanong ko
"Basta. Ang sakit lang, yung dalawang lalaking mahalaga sakin unti unti ng nawawala sa akin" Sabi niya
Hindi na ako sumagot, hindi na rin siya nagsalita, nakatulog na siguro.
Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Annalise, hindi namin nadatnan si Kuya Nico sa bahay, umalis daw ito ng maaga sabi ni Nanay.
Nasa rooftop kaming dalawa at nagbabasa ng lectures namin, nalalapit na ang mid term kaya kailangan na talagang magsunog ng kilay, 3rd year Med Tech Student din ako, malapit na akong mag OJT.
"Annika, magoOJT ka na diba?" Napaangat ang tingin ko mula sa libro papunta kay Annalise, tumango ako
"Saan mo naiisipang magOJT?" Tanong niya, isinarado ko ang notebook ko
"Wala pa nga ehh. Ikaw meron na ba? Dun nalang din kaya ako" Sabi ko
"Sa Maynila ako magoOJT, sa ospital kung nasan yung pinsan ko, nursing naman kasi ako ikaw med tech kaya hindi ko alam kung pwede" Sabi niya
"Isama mo nalang ako dun, wala talaga akong maisip ehh" Pagsusumamo ko, tumango naman ito at tsaka ngumiti.
Paguwi ko sa bahay agad akong nagpahinga, sa isang linggo na ang mid terms, tapos sem break then OJT na, hirap magaral.
Nakapikit na ako ng naramdaman ko ang presensya ni Raphael
Lumapit ito sa may tagiliran ko, hindi ko parin idinidilat ang mata ko
"Annika?" Tawag niya, pero masyado akong pagod para sumagot
"Hirap na hirap na ako Annika, gusto ko ng mamahinga. Hangga't malapit tayo sa isa't isa lalo akong nahuhulog, pero hindi pwede, tao ka multo ako, parang naghangad ako na maging ginto ang bato" Sabi niya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko
"At isa pa, nahihirapan din akong nakikita si Nicnic at Annalise, parang lalo ko gustong mabuhay dahil sa bestfriend at pinsan ko."
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Short Story"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...