Chapter 28

391 11 4
                                    

Halos dalawang linggo na rin simula nang magsimula kami ni Annalise na magOJT dito sa Makati Med.

Marami na rin akong nakilala at naging kaibigan sa dalawang linggo kong pananatili dito sa ospital na 'to, merong Med Tech na, merom din namang nagoOJT din gaya ko.

Nasa laboratory ako, med tech student ako kaya dito ako naassigned. Trabaho ko ang pagkuha at pagaaral ng may kinalaman sa dugo. Samantalang dahil nursing student si Annalise, nasa nurse station siya at isa siya sa nagroroaming dito sa ospital.

Busy akong nagssterilize ng mga karayom ng may humawak sa balikat ko

"Anna" Tawag nito sa atensiyon ko

Anna ang ginagamit kong nickname dito, kapag Nika kasi maalala ko lang sila Nanay at Kuya Nico, kaya mas pinili kong Anna nalang.

"Ohh Oliver" Sabi ko at ngumiti, si Oliver ay katulad ko ding nagoOJT

"May naghahanap sayo sa labas" Anunsiyo niya "Ako ng bahala dito" Dagdag pa niya at inagaw sa akin 'yung mga karayom.

Agad naman akong lumabas at tinanggal 'yung face mask ko.

'Pag labas ko ng laboratory agad kong iginala ang mga mata ko, sino naman kaya ang maghahanap sa akin? Si Annalise lang ang maari, pero hindi pa naman breaktime kaya imposibleng siya.

Luminga linga ako sa paligid, tangging isang ginang lamang ang nakita ko dito, naglakas loob na akong magtanong dahil baka may kailangan siya

"Uhm, excuse me Ma'am, ikaw po ba ang naghahanap sa akin?" Tanong ko rito, agad naman siyang napalingon at ngumiti sa akin

"Ikaw ba si Anna?" Tanong nito ng nakangiti parin, tumango naman ako

"I'm Geniva Mendoza by the way" Sabi niya at inilahad ang kamay

Nung una nagalangan pa ako kung tatanggapin ko iyon, pero sa huli, tinanggap ko ito

"Anna Fuentabella po" Pakilala ko rin at ngumiti ng alangan

Bumitaw kami sa pagkakahawak kamay ng isa't isa, pinagmamasdan lamang niya ako habang nakangiti ng malawak, na sa tingin ko ay creepy.

"Do you need anything Ma'am? Assistance?" Tanong ko, marahil kailangan niya ng med tech na kukuha sakanya ng dugo

"Uh, no no. I just came here to see you" Nakangiti niya paring sabi

Napataas ang kilay ko, pumunta siya dito para makita ako? E hindi ko nga siya kilala e? How come?

"See you around Nika" Sabi pa nito bago ako iniwan duon.

-------
Azryl: HAPPY NEW YEAR EVERYONE! ENJOY THIS CHAPTER! LOVE LOTS!

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon