Chapter 15

426 12 0
                                    

Hingal na hingal si Kuya Nico matapos niya sabihin ang mga katagang iyon

"That's confidential Kuya, I can't answer that question" Matapang kong sagot

Lalong nanggalaiti si Kuya Nico at napahigpit ang hawak sa libro. "I'm your brother Annika, mas alam ko ang tama" Madiin niyang sabi

"Alam mo ang tama pero hindi mo alam ang totoo" Diretsa kong sagot

Umawat naman si Nanay sa pagitan namin at pinapasok ako sa loob ng bahay.

"Annika" Napatigil ako sa pagtawag sa akin ni Annalise

"Hindi muna ako tatanggap ng bisita ngayon" Sagot ko at dirediretso sa kwarto.

Nakailang buntong hininga na ako habang nakadungaw sa bintana, hindi ako sanay ng ganito

"Ang pride kasi kasing taas ng Great Wall of China" Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko si Raphael na nakahiga sa kama ko

"'Wag mo 'kong pakealaman. Pakealaman mo yang alala ala mo 'wag ako!" Naiinis kong sabi

Bumangon naman ito mula sa pagkakahiga at tumingin sakin

"Pinapaalis mo na agad ako?" He chuckled

Umirap ako. "Raphael, anim naaraw na! Anim! Magiisang linggo na wala ka paring progress? Ipatapon na kaya kita?" Sabi ko

"Ipapatapon mo parin ba ko kapag sinabi kong may naaalala na 'ko?" Nakangisi nitong tanong

Tinitigan ko siya na para bang sinasabi na sabihin niya sa akin ang naaalala niya

"What?" Nakangiwi kong tanong

"Anong what?" Natatawa niya sabi

"Ano yung naaalala mo?!" Frustated kong sabi

"I already remember my full name" Sabi niya at iniwas ang tingin sa akin "... Hi Annika Zayn Fuentabella, I am Raphael Mendoza" Sabi nito ng nakangiti.

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon