Napakusot ako ng mata ko ng tamaan ito ng sikat ng araw
"Hoy Annika Zayn! Bumangon ka na diyan!" Rinig kong sigaw ni Kuya Nico
Umungol ako at tumagilid
"Five minutes pa Kuya" Sabi ko sa inaantok na boses
Naramdaman ko naman na lumubog ang kanang parte ng kama ko at hinampas ako ng malakas. Napamulat at napaupo agad ako
"Kuya naman ehh!" Sigaw ko, ngumisi lang ito
"Ano five minutes pa ahh?" Nanunuyang sabi nito
"Hampasin din kita diyan! Volleyball player din ako Kuya baka nalilimutan mo!" Sigaw ko sa mukha niya, ngumiwi naman ito at tinakpan ang ilong niya
"Alam ko na Nika kung bakit walang nanliligaw sayo" Sabi nito, napataas naman ang kilay ko "Ang baho kasi ng hininga mo" Dagdag nito at agad tumakbo palabas ng kwarto ko
Napakurap ako ng ilang beses. Huminga ako at inamoy ko naman. Hindi naman mabaho ahh?
Nagsimulang umusok ang ilong ko nang marealize kung anong sinabi ni Kuya Nico
"LECHE KA TALAGA KUYA NICO! SANA HINDI KA SAGUTIN NANG NILILIGAWAN MO!" Sigaw ko, narinig ko naman ang malademonyong tawa ng kapatid ko
Bumangon na ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto para magalmusal.
Nang matapos ako magalmusal at maligo ay aalis na sana ako para pumasok sa eskwelahan nang tinawag ako ni Kuya Nico
"Nika" Tawag nito
Lumingon naman ako at tinignan siya ng masama
"Heh! Manigas ka diyan!" Pagtataray ko at tumalikod na
"MAGIINGAT KA! WAG MO SILANG KAKAUSAPIN AHH?" Paalala pa sa akin ni Kuya
Naglalakad ako papunta sa kabilang barangay, dun kasi ang sakayan ng jeep papuntang eskwelahan ko.
Malapit na akong dumaan dun sa puno ng accacia kung saan ko nakita si Raphael.
Nawala lang siya bigla kagabi pagkatapos ko siyang sabihang leche siya, tama ba namang halikan ako? Kahit multo pa siya. First kiss ko yun! Ang kapal talaga ng apog nun!
Nalagpasan ko na yung puno ng accacia, nakasakay na ko ng jeep at nakarating na ko sa school pero walang Raphael na nagpakita sa akin.
Bakit Annika? Bakit mo siya hinahanap?
Iniling ko nalang yung ulo ko at nakinig sa History Teacher ko. Inaantok na talaga ako. Bakit pa kasi kailangang pagaralan tong History? Bakit may magagawa pa ba kami pag pinagaralan namin to?
At isa pang nakakainis, etong teacher ko nasobrahan sa hinhin. Feeling ko hinehele kami at unti nalang makakatulog na ang buong klase.
Pero nabuhay ang dugo ko ng may buksang topic ang teacher ko
"Alam niyo ba na maraming mga kaluluwa na pagala gala lang dito sa mundong ibabaw?" Sabi niya, napadiretso naman ako nang upo
"Marami sila. Meron hindi tanggap na patay na sila meron namang hindi pa tapos ang gawain nila" Paliwanag nito habang naglalakad lakad
Nagtaas ako ng kamay
"Yes Annika?" Tanong nito
"Eh Ma'am, pano po kung wala silang maalala?" Tanong ko, naalala ko kasi si Raphael, wala siyang maalala diba?
"Maaring kamamatay lang nila, o humiwalay lang ang kaluluwa nila sa katawang tao nila" Sagot nito sa tanong ko
Napaisip ako, kamamatay lang o humiwalay lang siya.
"Eh pano Ma'am sila makakaalala?" Tanong ko muli
"Hindi ko alam. By the time passed nalang siguro" Kibit balikat nitong sagot
"Last na Ma'am, nakakapaglakbay ba sila? I mean, napupunta ba yung kaluluwa nila sa ibang lugar kahit hindi naman sila doon nakatira?" Tanong ko
Tumango ito "Yes, it may happened, pwedeng andun yung rason kung bakit sila namatay o maari ring andun yung unfinished business nila" Sagot nito
Hindi na ako muling nagtanong. Natulala nalang ako. Maaring andun yung dahilan kung bakit namatay si Raph, pwede ring andun yung unfinished business niya.
Nanatili akong tahimik hanggang sa nagpaalam na ang aming guro.
![](https://img.wattpad.com/cover/120758094-288-k551937.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Truyện Ngắn"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...