Nagpaalam ako kay Annalise na bukas nalang kami umalis papuntang Maynila para asikasuhin ang pago-OJT-han namin. Gusto ko munang makasama si Raphael ngayon.
Andito kami ngayon sa ilog na pinagdalhan ko sakanya noon
Nakain siya ng Stick-O, sa paningin ko nauubos niya ito pero sa iba hindi
"Alam mo masaya akong nakasama kita ngayon" Sabi niya at ngumiti
"Ako din" Sabi ko at nginitian din siya
Humiga siya sa lap ko at pinagmasdan yung langit
"Ang ganda ng panahon ngayon, pero mas maganda siguro kung tao ako" Sabi niya
Hinaplos haplos ko yung buhok niya at tumingin din sa langit
"Sus, wag mo ngang isipin na multo ka, para sakin tao ka rin gaya ko" Sabi ko at tumingin sakanya, nakatitig naman siya na para bang kinakabisado ang mukha ko
"Tingin mo Annika sa langit ako mapupunta?" Nagaalala niyang tanong, natawa naman ako
"Oo naman. Mabait kang tao Raphael, sigurado akong doon ka mapupunta" Sagot ko naman
"Aantayin kita doon" Sabi niya dahilan para nawala yung ngiti ko
"Sira! Wag nga natin yan pagusapan" Sabi ko at hinampas siya sa tyan
"Bakit, para mapaghandaan na natin kapag nawala na ko" Sabi niya at ngumiti
Sumeryoso naman yung mukha ko, hindi ko gusto yung narinig ko.
Nawala din naman yung ngiti ni Raphael ng makita niya akong hindi nakibo
"Huy Annika, may nasabi ba akong mali?" Tanong niya at hinawakan yung braso ko
Unti unti naman bumagsak yung luha ko "Hindi ko gusto 'yang naririnig ko sayo" Sabi ko habang nasinghot
Niyakap naman niya ako "Shh, tahan na nagbibiro lang ako" Bulong nito
"Hindi magandang biro yun" Sabi ko habang sinusuntok suntok siya
Tumawa naman ito at mas lalong hinigpitan yung yakap sa akin "Hinding hindi kita iiwan Annika, promise" Sabi niya
Naglalakad na kami papuntang Barangay Multuhan
"Annika" Tawag sa akin ni Raphael ng matapat kami sa may puno ng accacia
Humarap naman ako sakanya, ngumiti siya sa akin
"Gusto kong malaman mo yung nararamdaman ko kung saan tayo unang nagsimula" Sabi niya at nginitian ako ng matamis
"Annika Zayn Fuentabella, gusto ko lang malaman mo na, masaya ako sa tuwing kasama kita, hindi ko namamalayan ang oras, at gustong gusto na rin kitang patayin para makasama na kita" Sabi niya, natawa naman ako sa sinabi niya
Gustong gusto na rin kitang patayin para makasama na kita
"Pero gusto ko lang sabihin na, gusto ko na ata kita Annika" Sabi niya
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya, ano daw?! Gusto niya ako?!
Hinatak niya agad yung baywang ko at niyakap ako ng mahigpit
"Hindi mo na kailangang sumagot, alam ko namang wala ng pagasa ehh, tao ka multo ako hindi na ako aasa pa" Bulong nito sa tenga ko
"R-raphael" Nauutal kong sabi
"I like you Annika, I really do"
![](https://img.wattpad.com/cover/120758094-288-k551937.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Krótkie Opowiadania"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...