Chapter 20

418 10 0
                                    

Binagabag ako ng sinabi sa akin ni Raphael nung nakaraang gabi. Nicnic at Annalise? Si Kuya Nico at si Annalise ba ang tinutukoy niya? Pero paano naging bestfriend ni Raphael si Kuya? Paano rin niya naging pinsan si Annalise?

"Miss Fuentabella, is there any problem?" Tanong ng proctor ko

Agad naman akong napalingon dito at umiling.

Mid terms na namin ngayon, at heto ako tulala at binabagabag ng sinabi ni Raphael.

Nasa cafeteria kami ngayon ni Annalise, nagulat naman ako ng hinawakan nito ang kamay ko

"Kanina ka pa tulala Nika, ayos ka lang ba?" Nagaalala nitong tanong, nginitian ko naman siya at tumango

Bumuntong hininga ito at nginitian din ako

"Hayaan mo Nika, dalawang semester nalang matatapos na tayo ng third year kaya natin 'to" Sabi niya upang lumakas ang loob ko

"Oo nga pala Annalise, nakapagpasa ka na ba ng form sa pago-OJT-han mo?" Tanong ko

Umiling ito "Hindi pa. Siguro sa sembreak ko pa aayusin uuwi muna ako sa Manila" Sabi niya at ngumiti

"Annalise wala pa akong ospital na napipili" Sabi ko at sumimangot dahilan para tumawa si Annalise

"Ako ng bahala" Sabi niya at tinignan ako ng makahulugan

Nauna ng umuwi si Annalise sa akin dahil wala yung professor nila sa last subject nila, samantalang ako mamayang 4pm pa ang last.

Nakatambay ako sa library habang nagrereview para sa susunod na exam nang lumitaw sa harap ko si Raphael.

Nanigas naman ako sa kinauupuan ako at napatulala sa kanya.

Teka? Parang may nagiba sakanya, tinignan ko siya ng mabuti ng walang kurap kurap dahilan para mapangiti siya ng malapad

"Masyado ka naman atang namangha sa taglay kong kagwapuhan" Bilib sa sarili niyang sabi dahilan para mapakurap ako ng sunod sunod at umiwas ng tingin sakanya

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng nasa mga libro ang paningin

"Sinasamahan kita, may masama ba doon?" Tanong niya, alam ko kahit hindi ko siya tignan na nakangiting aso siya

"May exam pa ko, wag mo kong guluhin" Malamig kong sabi sakanya habang inaayos yung gamit ko

Dali dali naman akong lumabas ng library at nagtungo sa building para sa susunod na exam ko.

Nanlaki ang mata ko ng may humablot sa akin papunta sa isang kwarto na walang katao tao

"Raphael" Gulat kong sabi

"Hi, nagulat ba kita?" Tanong niya habang nakangiti ng malawak

"P-paanong---"

"Hindi ko rin alam Annika, pero nakakahawak na ko" Balita niya sa akin, mas nagulat ako ng niyakap niya ako

"Annika, marami na akong ikwekwento sayo, kaya ipangako mong uuwi ka at hindi ako iiwan ahh?" Bulong niya sa tenga ko habang hinahaplos ang buhok ko

Napatango naman ako at humiwalay sa pagkayakap niya, nginitian niya naman ako ng malawak

"Tara na? Ihhatid na kita sa room niyo" Sabi niya at inilahad sa akin ang kamay niya

Inabot ko naman ito at ngumiti sakanya

"Tara"

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon