Palabas na sana ako ng eskwelahan ng may tumawag sa akin
"Annika!" Tawag nito, agad naman akong napalingon at nakita ko ang guro namin sa History
"Bakit po?" Tanong ko
"Magiingat ka. Maraming pagala galang kaluluwa dito. Maari ka nilang makuha" Sabi nito at iniwan akong naguguluhan.
Ikinibit balikat ko nalang yung sinabi ng aking guro at pumunta na sa sakayan na jeep.
"Kuya sa Barangay Multuhan po" Sabi ko sa barker
"Sakay na, last trip na to para sa barangay na yun" Sabi nito
Agad naman akong sumakay sa may pinto ng jeep. Pinagmasdan ko ang mga naroon, maraming estudyante gaya ko. Nagtatawanan sila at nagkukulitan.
Inilipat ko nalang ang tingin ko sa labas. Hapon na, alas sinco na ata. Ayoko pa naman ng nauwi ako ng pagabi na.
Kumuha ako ng barya sa bag ko para magbayad na
"Manong sa Barangay Multuhan po" Sabi ko at inextend ang braso ko, ngunit wala man lang umabot sa bayad ko, tahimik sila
"Paabot naman po" Sabi ko dun sa Ale na nakaupo sa may gitna, ngunit hindi parin ako pinansin
"Bayad ho!" Medyo lumakas na ang boses ko pero wapakels parin sila
"Manong!" Tawag ko dun sa driver, tinignan naman ako nito sa salamin "Pakisalo ho ng bayad ko ahh! Ibabato ko nalang!" Sarkastiko kong sabi, may naglahad din sa wakas ng kamay niya
Inabot ko sakanya ang bayad ko. Nang magkadikit ang mga balat namin ay kinilabutan ako, sabay hampas din ng malamig na hangin.
Kinabahan ako lalo na ng mapansin ko na parang ang putla nito.
Umupo ako nang maayos pagkaabot ko ng bayad, hindi na ako mapalagay, parang may mangyayaring hindi maganda.
Nagulat naman ako nang magring ang pipitsugin kong android na cellphone
Kuyang Nico the Kupal calling...
Napataas naman ang kilay ko, bakit naman tatawag si Kuya Nico?
Sinagot ko naman ito agad
"Oh Kuya bakit ka napatawag? Miss mo agad ako?" Sabi ko
"Asan ka?" Taranta nitong tanong
Napakunot noo ako
"Asa jeep Kuya pauwi na" Sagot ko
"BUMABA KA NA DIYAN NGAYON NA!" Sigaw nito sa kabilang linya
"Ha? Bakit Kuya?" Taka kong tanong
"Basta bumaba ka na diyan!" Sabi niya at pinatay ang tawag
Nataranta naman ako dahil mukhang taranta rin si Kuya
"Manong para ho!" Sigaw ko, agad namang huminto ang jeep at bumamaba na ako
Bumaba ako sa Barangay Dwendihan, tatlong barangay pa para makapunta ako sa Barangay Multuhan.
Muling nagring ang telepono ko
"Oh ano Kuya nakababa na ko. Sayang pera ko sayo ehh" Naasar kong sabi
"Nasan ka?" Tanong nito
"Barangay Dwendihan" Walang gana kong sagot, binabaan ako nito ng telepono.
Napakawalang hiya talaga nun ni Kuya! Akala mo kung sino eh isang taon lang naman ang tanda sa akin.
Makalipas ang higit kumulang trenta minutos ay dumating na si Kuya Nico.
"Bakit ba Kuya? Sinayang mo lang yung pamasahe ko maglalakad tuloy tayo ngayon" Nakakunot noong sabi ko
"Nagkavision kasi ako ehh" Seryoso niyang sabi, nagseryoso naman ako
"Anong nakita mo?" Tanong ko
Tinignan ako nito ng seryoso at bumuntong hininga
"May mabubunggong jeep. Mamatay ka kasi kasama ka sa pasahero non. Kaya pinababa kita" Seryosong saad nito na nakapagpalaki ng mata ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [COMPLETED]
Nouvelles"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentabella, a human Siya si Ralph, multo Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo ang landas namin, ngunit sa m...