Chapter 22

456 11 0
                                    

Sembreak na. Ilang araw na din kaming laging magkasama at magkausap ni Raphael, at hindi parin kami naguusap ni Kuya Nico.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya agad akong bumangon para pagbuksan ito.

Nakita kong nakatayo at nakangiti si Annalise sa harapan ko

"Goodmorning Nika!" Bati sa akin ni Annalise at dirediretso papasok sa kwarto ko

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

Umupo naman siya sa kama at may iniwagayway

Teka, yun yung libro na pinamana sa akin ni Tatay ahh!

"Paano napunta yan sayo?" Nanlalaki yung mata ko ng tinanong ko siya

"Paano pa na naging si Annalise Mendoza Laurent ako kung hindi ko 'to makukuha?" Sabi niya at ngumisi pa

Napangisi rin ako at umupo sa tabi niya

"Kagabi ko pa 'to nabasa wala namang kakaiba pero bakit galit na galit si Nico ng makita niya sayo 'to?" Nagtataka niyang sabi

"Ayaw niya kasi akong madawit sa mga ganito" Sabi ko

Kinuha ko yung kahon sa ilalim ng kama ko at binuksan iyon

"Marami pa dito pero ewan ko bakit yan lang ang kinuha ni Kuya" Sabi ko

Kinuha niya naman yung kahon sa kamay ko at tinignan ito, pero napansin kong nanigas siya sa kinauupuan niya ng makita niya yung isang litrato

"Bakit Annalise? May problema ba?" Tanong ko

Tinignan naman niya ako at umiling "Magbihis ka na tsaka magimpake, aayusin na natin yung pago-OJT-han natin sa Maynila, ipinaalam na kita kay Tita" Sabi niya at tuloy tuloy na lumabas ng kwarto ko

Nandito ako ngayon sa puno ng accacia kung saan ko unang nakita si Raphael, nakaupo ako sa may ugat nito habang pinagmamasdan yung paligid

Bumuntong hininga ako "Bakit ganon Raphael? Bakit?" Taka kong tanong

Sa tuwing kasama ko kasi siya parang wala akong problema, masaya din ako kapag nasa tabi ko siya. Siguro kaibigan ko siya kaya ganon iyon.

Naramdaman ko namang may malamig na hangin na tumabi sa akin, napangiti ako

"Anong ginagawa mo dito Annika? Gabi na" Tanong ni Raphael sa nagaalalang tono

Humarap ako sakanya at tinigna siya sa mata, bakit ganon kahit multo nalang siya ang gwapo parin niya sa paningin ko?

Naramdaman ko nalang na may humaplos sa noo ko kaya napaatras agad ako

"Chinicheck ko lang kung ayos ka lang, parang balisa ka kasi ehh" Paliwanag niya

Natawa naman ako "Hindi mo naman na mararamdaman yung temperatura ko, multo ka nalang ehh" Sabi ko at iniwas yung tingin ko

Narinig kong bumuntong hininga siya at mahinang napatawa "Tama ka, multo nalang ako" Sabi niya

Napalingon naman ako sakanya. Nakita ko na may mga namumuong luha sa mga mata niya

"Alam mo bang naiinggit ako sa mga buhay pa, nakakasama pa nila yung mga mahal nila sa buhay, nakikita at nahahawakan pa sila ng ibang tao, at higit sa lahat may pagasa pa silang makasama ang babaeng mahal nila, samantalang ako hindi na" Sabi niya at tuluyan ng lumandas ang mga luha sa mga niya

Dahan dahan ko namang inangat yung kamay ko at pinunasan ang mga luha niya

"Hindi ko masasabi na magiging okay din ang lahat, pero andito ako Raphael, handa akong makinig sa mga saloobin mo" Sabi ko at nginitian siya

Humarap ito sa akin at tinignan ako sa mata "Yun nga 'yong mahirap Annika ehh, andiyan ka pero alam kung panandalian lang, kasi multo ako tao ka" Sabi niya

"Raphael" Bulong ko

"Minsan nga naisip ko gusto nalang din kitang patayin para makasama na kita pangmatagalan, pero ayoko naman ipagkait sayo yung buhay na nararapat para sa iyo" Sabi pa niya

Hinawakan ko yung kamay niya at sumandal sa balikat niya, masakit para sa akin na nakikita siyang ganito

"Makakaya mo 'yan Raphael, ikaw pa ba?" Pagpapalakas ko sa loob niya

"Ayoko na Annika, nawawalan na ako ng pag asa" Sabi niya pa

"Handa akong mamatay para sa iyo Raphael kung iyon ang makakapagpasaya sayo, ayokong makita kang nagkakaganyan" Sabi ko

Umiling siya at isinandal din ang ulo niya sa ulo ko

"You only know you love her when you let her go" Kanta niya sa mga linya na iyon

Dahil dun tumulo din ang luha ko, ngayon narealize ko na, malapit na akong mahulog kay Raphael.

Perfect Strangers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon