six

4.7K 212 47
                                    

"Meme! San ka na?" tanong ni Buern nang sagutin ni Vice ang tawag niya. "Isang oras na kaming naghihintay dito eh."

"Sorry na, baks. Pinatulog ko pa si Bagets." paliwanag nito. "I'm on my way namaïn na. Five minutes nandiyan na 'ko,"

"Paano kung magising 'yung bata?" worried na tanong nito. Ito ang unang night out nila mula nang magbalik si Vice.

"Pinagod ko 'yun kanina kakaikot sa mall so malabong magising 'yun, at kung magising man, alam na ni Nanay kung anong gagawin." natatawang sagot nito.

Since Sunday naman, pinagbigyan na ni Vice ang anak sa hiling nitong maglibot sa mall. Vice took it as an opportunity naman na pagurin ang anak kakalaro para makaalis siya ngayong gabi. He felt sorry dahil bagsak na bagsak talaga ang anak pagkauwi but he knows na nag-enjoy naman ito sa bonding nilang mag-ama.

"Nagdadrive ka? I'll hang up na. See you!" sabi ni Buern.

"See you!"

Nakangiting ibinaba ni Vice ang phone and continued driving. Pagod din naman siya mula sa maghapong paglilibot at paglalaro with his daughter, but he couldn't say no to his friends. Hindi rin biro yung apat na taong hindi niya kasama ang mga kaibigan. He really wanted to bring them back. He kinda missed those times na kaya niyang pagsabayin ang career at night outs. Kahit gaano ka-hectic ang schedule ay nagagawa niyang umattend sa mga paganap ng kung sinu-sino.

Wala pang five minutes ay nakarating na si Vice sa District 8.

Malawak ang ngiting sinalubong siya ng mga kaibigan. Some of the faces na kasama ng mga ito ay unfamiliar sa kaniya so he just gave them a smile bago i-beso isa-isa ang mga kakilala.

"Daming bagong salta sa grupo ha," bulong ni Vice nang ibeso niya si Archie.

"Gaga! Di mo ba kilala 'yang mga 'yan?"

"Ta-ka! Loyal ako sa jowa ko no! Wit na ko tumitingin sa iba," tumatawang sagot nito. Nagkunwari namang nagsusuka si Archie kaya't nakatanggap ito ng batok mula sa kaibigan. "Sino nga 'yang mga 'yan?"

"New generation of Hashtags 'yan. Hindi ka manlang ba nanonood ng Showtime?!"

"Kalokohan nga naman talaga oh! Nagkaroon pa ng new generation ang Hashtag sa lagay na 'yon? Huwaw!" it was full of sarcasm but he made sure na hindi ito maririnig ng grupo ng mga lalaki na nasa isang gilid. "Ba't ba nandito 'yang mga 'yan? Akala ko ba tayo-tayo lang?"

"Wag kang maingay. Kaloka 'to. Sisibat din 'yang mga 'yan maya-maya." sagot ni Archie.

Vice sat in between Buern and Aaron. Inabutan siya ni Archie ng chips at pulutan na pwede niyang lapangin while waiting for the new case of drinks.

"Pang-ilang case niyo na 'to?" Vice asked.

Itinaas naman ni Aaron ang dalawang daliri niya as an answer.

"Naubos niyo 'yung isang case?" Vice has always been the taga-sermon in the group. Malala siyang uminom but he really doesn't want his friends na magpakalango sa alak.

"Hindi naman kami ang umubos. Pota! Lalakas uminom nung bisita ni Russ." halata ang pagka-irita sa mukha ni Aaron.

"Russ?"

"Nako, meme! Pagsabihan mo 'yang isa na 'yan. Nauubusan dahil dun sa boylet na mukhang user. Kala mo kina-gwapo 'yung pagpapahaba ng buhok," nanggagalaiting pahabol pa ni Archie.

"Ilang beses na naming pinagsabihan 'yan e. Ayaw namang makinig. Kala mo mauubusan ng lalaki,"

Mabilis na napailing ng ulo si Vice. Galing na siya doon eh. Ilang beses na siyang naloko ng mga lalaki at ayaw niyang maranasan iyon ng mga kaibigan.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon