thirty six
"Adi, make it fast." naiiritang sabi ni Snow habang pinagmamasdan ang amang kasalukuyang tinatawagan si Francis, Mishy's Dad.
"Anak, wag kang magmadali." nangangarag na sabi ni Vice while still dialing Francis' number.
Alas sais na ng gabi at halos dalawang oras nang kinukulit ni Snow ang amang tawagan ang kaibigan. Kanina pa sana gustong pagbigyan ni Vice ang hiling ng anak, ngunit alam niyang madaling araw na sa Canada at paniguradong himbing pa sa pagkakatulog ang mag-amang Francis at Mishy.
It is now 7 pm in the Philippines, at umaga na sa kabilang bansa kaya minabuti niyang tawagan na ito, nagbabaka-sakaling gising na ang mag-ama.
"Why are they not answering your call?" Snow asked, na tila ba nawawalan na ng pag-asa.
"Baka natutulog pa kasi sila, anak. Pwedeng tomorrow nalang natin tawagan?" paglalambing ni Vice, but Snow immediately shook her head.
"If we'll call them tomorrow, they will not answer again because it's Mishy's bed time already."
Napabuntong hininga na lamang si Vice dahil bakas sa anak na ayaw nitong magpapigil. Oo nga naman, kung ipagpapabukas nila ang tawag---- paniguradong gabi nanaman sa Canada, at mas lalong malaki ang posibilidad na hindi masasagot ng mag-ama ang tawag nila.
"Ano ba kasing sasabihin mo kay Mishy?"
"A lot of things, Adi."
"Like?"
"I wanna show my new toys. Also my room!" halata ang excitement sa mukha ng bata. "I also wanna show her the ipits that Ninang Anne gave me."
Napailing na lamang si Vice bago muling ituon ang atensyon sa pagsubok na tawagan ang kaibigan.
"It will be our 10th try already. Pag hindi pa sila sumagot, it means they're still sleeping. Then we can try calling them again tomorrow, okay?"
Halata man ang pagkadismaya sa mukha, pilit na lamang napatango ang bata sa sinabi ng ama. Vice then continued dialing Francis' number.
Dialing...
"Hello?"
"OMG! Toti Fwancis!"
Snow gleefuly jumped on the bed nang marinig ang pagsagot ni Francis sa tawag ng ama. She then positioned herself sa gilid ni Vice, upang marinig ang usapan ng dalawa.
"Hello, Francis?"
"Te! Pasensya na, kagigising ko lang. Kanina ka pa pala tumatawag."
"Ay naku, nagising pa ata kita." nahihiyang sabi ni Vice bago higitin ang anak pakandong sa kaniya. "Pasensya na, kanina pa kasi ako kinukulit ni Niyebe. She wanted to talk to Mishy daw,"
"Ay ganern? Sige, sige. Nasa baba na 'yung bata, naunang nagising sa akin e. Mukhang nagpapahanda na ng breakfast kila Manang Lory," Francis said. "I'll just get my laptop sa office, then I'll call you via zoom."