Everybody couldn't hide the excitement of finally seeing each other again. Isang mesang puno ng tawanan at laitan. They were now finally able to see and experience again the Vice they used to be with four years ago. Sa sobrang tagal ng panahon na lumipas, tila hindi na sila maubusan ng kwento. Every person na matatapos magsalita ay masusundan ulit ng panibagong kwento.
Anne and her husband Erwan are planning to have their second wedding here in the Philippines, para naman makapunta na lahat ng mga kaibigan at malalapit sa kanila na hindi nakadalo noong kasal nila sa ibang bansa. And they want Snow to be their flower girl.
Si Billy rin. After Anne and Erwan's wedding, sumunod narin ang balitang nag-propose si Billy sa nobyang si Coleen. Ofcourse it wouldn't be kept as a secret lalong lalo na pagdating sa social media kaya kahit nasa Canada ay alam narin ni Vice ang nagaganap sa mga kaibigan.
Si Vhong naman ay nagkaroon ng two blockbuster movies sa apat na taong nakalipas na hindi rin naman pinalagpas ni Vice even if he was in Canada.
Karylle had an international project kaya kinailangan niyang iwan ang Pilipinas for a couple of months but it's all worth it after maka-gain ng napakagandang comments ng project niya.
The other showtime hosts continued their life and chose to keep their life private.
"Ikaw? What happened in four years of staying in Canada?" Anne asked.
"Nothing interesting. Normal lang yung takbo ng buhay namin ni Snow doon," he simply answered. "Eversince I had her, parang mas gusto ko na ng pribadong buhay. 'Yung malayo sa judgements,"
"Private? Eh kaliwa't kanan nga ang balita tungkol sa inyong mag-ama. Halos araw-araw eh nasa facebook ang mukha ng anak mo," dagdag ni Vhong.
"Well, you couldn't blame the netizens. Sa sobrang cuteness naman ng anak mo, imposibleng hindi mag-viral ang pictures niyan." Anne added as she took a glance sa batang abala sa pakikipaglaro sa ibang bata.
"Kanino pa ba magmamana?" Vice was about to boast his confidence nang bigla nalang din siyang basagin ng mga kaibigan.
"Sa nanay siguro," Billy said.
"Gago ka ha!" tumatawang sabi ni Vice while throwing crumpled tissue kay Billy.
"But seriously Vice, sino bang nanay ni Snow?" curious na tanong ni Anne.
"I wasn't actually able to meet her in person," tuwid na sagot nito. "I had a friend in Canada who told me that there's a group of women who do impregnation kaya tinulungan niya ako, but they have a policy there na hindi pwedeng makita ng biological parent 'yung taong magbubuntis to keep their privacy."
"Hindi pwedeng makita? How would they be able to convince their clients na legit na sa 'yo 'yung bata? Baka mamaya kung saan lang nila nakuha 'yon e."
"Ayun na nga e, kaya nung una talaga hindi ako naniniwala. I was hesitant at first until they showed me the contract. The process was there. Dadalhin ang bata sa loob ng siyam na buwan, wala kang gagastusin. All you have to do first is to wait. Pag naisilang na 'yung bata, they'll conduct a DNA test to prove na sa 'yo nga 'yung sanggol. Once mapatunayan na anak mo nga 'yon, saka mo sila babayaran para sa lahat ng nagastos nila for the check-ups, vitamins, hospital bills at kung anu-ano pa. It was a smooth process. Medyo mahal nga lang, pero nung nakita ko na si Snow, hindi ko na naisip yung pera eh."
The process was too expensive pero hindi niya pinagsisisihang gumastos siya ng ganun kalaki. Heto't malaki narin naman ang anak niya.
"Kahit pangalan man lang hindi mo nalaman?"
"Hindi nga ipinapakita 'yung mukha tas ibibigay naman ang pangalan? Nag-iisip ka ba Vhong?" asik ni Vice. Nang marealize ni Vhong ang punto ng kaibigan ay natawa rin siya.
