thirty four
Flashback continues ~
"Are you serious that it wasn't planned?"
Kunot noo at bakas sa mukha ang pagtatakang tinitigan ni Modesto ang anak, hoping that he could get an answer from her. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang malaman ni Zsa Zsa ang pinakatatagong sekreto ni Karylle at kahit hiwalay man sa dating asawa ay naroon parin ang respeto niya rito bilang ama ng anak that is why she decided to tell him kung ano man ang nalaman niya.
Dahil sa pagkabigla ay minabuti ng matandang lalaki na ipatawag si Karylle at Vice to gain more explanations. "Ako nalang ang magpapaliwanag, Pa. Hindi ko na kailangang isama si Vice." Naaalala pa nga niya kung paano niya pinakiusapan ang ama na siya na lamang ang sisipot at huwag ng isama ang kaibigan, but Modesto was so persistent. "I'm not gonna talk to you unless you bring Vice when you get home."
And now here they are, magkakaharap sa hapagkainan. Wala ni isa sa dalawa ang nagtangkang magsalita dahil sa takot na baka mag-cause lang ng malalang misunderstanding ang lahat.
"Aside from us, sino pa ang nakakaalam tungkol dito?" sunod na tanong ni Modesto nang hindi siya makakuha ng sagot mula sa dalawa.
"Showtime hosts know," Karylle answered.
"Alam din po ni nanay at ng mga kapatid ko," Vice said.
"So kung hindi ko pa narinig ang usapan niyo, wala talaga kayong balak na sabihin sa amin?" bahagya mang tumaas ang boses ay pinipilit parin ni Zsa Zsa ang ikalma ang sarili.
"I didn't tell you about this, dahil wala naman akong balak angkinin si Snow bilang anak ko. I signed a contract before and it was stated there that I don't want to have any affinities with the kid--- wala akong karapatan sa bata. Hindi siya sa atin,"
Malalim ang naging pagtitig ng dalawang matanda sa anak. It might be a stern and cold statement from her, but her eyes couldn't lie. Bakas ang lungkot at pangungulila sa mga mata ni Karylle na hindi nakalagpas sa paningin ng kaniyang mga magulang.
"Is this the reason of your separation---
"Yael doesn't have any idea about this, Pa. Matagal na kaming hiwalay when I found out na si Vice ang nakinabang sa donated cell ko," Karylle then looked at her Dad. "No one really had the idea na ako ang ina ni Snow, kahit ako. Ni hindi ko nga inasahang mabubuo pala 'yon, knowing that I couldn't give Yael our own."
Malalim ang naging pagbuntong hininga ni Karylle. Muli niyang iniyuko ang ulo upang maitago ang pagkadismaya.
"Do you still have the copy of the DNA test result?" muling tanong ni Modesto sa anak.
"I have the copy po," this time ay si Vice na ang sumagot. "I can ask someone to bring you the copy later when I get home. Nasa kwarto lang naman po,"
"Please do that," agad na sagot ng matanda. "And if it won't consume much of your time, baka pwede tayong humiling ng second test?"
"Papa?" kunot noo at bakas ang pagtatakang sabi ni Karylle.
"Hindi ito simpleng bagay na pwede nating ipagsawalang-bahala, Ana Karylle." tila may pinalidad na sambit ng ama nang mapansing tututol ang dalaga sa suhestiyon na. "Both of you have names in the industry that needs to be taken care of. At paano ako makasisigurong hindi planado 'to? I wasn't there when the result came out. What if it's fabricated?"
