twenty nine
Nagkukumahog na pumasok si Vice sa loob ng bahay, dahil ilang minuto lang ang mayroon siya upang makita ang anak. Pasado alas dos na ng hapon, at hindi pa man tapos ang Showtime ay nagpaalam at nakiusap siya sa Direktor na kung maaari ay mag-early out siya to spend atleast an hour with Snow dahil isa't kalahating araw siyang mawawala for his movie shoot. Naka-sched kasi ang shoot ng nasabing palabas sa Zambales at hindi pumayag ang movie director na magsama ng bata under eight years old. Ito naman na ang huling part ng movie na kailangang kuhanan kaya pumayag narin si Vice na malayo sa anak dahil pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ay paniguradong makababawi na siya sa bata.
Unang pinuntahan ni Vice ang kusina sa pagbabakasakaling naroon ang anak, ngunit tanging ang kasama lamang sa bahay na si Jackie ang naabutan niya roon.
"Ate. Nakauwi ka na pala," bati ni Jackie sa amo na mabilis din namang ngumiti sa kaniya at kumuha ng nakahaing bread roll.
"Nasan si Niyebe saka si Nanay?" tanong ni Vice habang nginunguya a ng isinubong pagkain.
"Naku, masama po ang pakiramdam ni Nanay kaya nagstay lang silang dalawa sa kwarto."
Sa narinig ay mabilis nabalot ng kaba si Vice. Hindi naman niya masisi ang sarili kung bakit ganoon na lamang siya kung mag-alala sa ina. May edad na ang matanda at alam niyang mahirap para dito ang kumilos lalo na't masama ang pakiramdam nito. Idagdag pa ang kakulitan ng binabantayan.
Nang makarating sa kwarto ay walang katok-katok na binuksan ni Vice ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang naglalarong anak habang ang ina naman ay nakaupo lamang sa gilid ng kama, malamlam ang mga mata at halata ang kagustuhang makapag-pahinga.
"Nay, okay ka lang?"
Kung sa mga normal na araw ay si Snow ang unang binabati, niyayakap at hinahalikan ni Vice, ngayon ay naramdaman niyang kailangan niyang unahin ang ina.
"Adi!"
Snow excitedly jumped up of the bed upang makalevel ang ama at mayakap ito on the neck.
"Hi, anak. Careful! Baka masaktan si lola." paalala ni Vice while limiting Snow sa mga kilos nito.
"Nanay is sick! She told me to stop running because she gets dizzy." pagkukwento nito. Bahagya namang natawa ang matanda sa kadaldalan ng apo.
"Nilalagnat ho kayo. Dalhin ko na ho kayo kay ate?" it was not a question. He's really deciding to take her sa hospital na pinagtatrabahuan ng kapatid.
"Hindi naman kailangan, anak. Kailangan ko lang ng pahinga. Uminom naman na ako ng gamot kanina. Nagpaluto rin ako ng lugaw kay Jackie, pakiramdam ko gusto ko ng pagkaing mainit." pagpapakalma nito sa anak dahil mababanaag na sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
"Hindi ho kaya buntis kayo?"
"Siraulo ka ba?!" isang hampas ang dumapo sa braso ni Vice. "Ayos lang ako. Kaunting pahinga lang saka tubig, mawawala rin 'tong lagnat ko."
Muling idinampi ni Vice ang kamay sa leeg at noo nang ina to check her temperature. Hindi naman ganoon kataas ang lagnat ng ginang ngunit makikita talaga sa mata nito ang sama ng pakiramdam. Idagdag pa ang mamula-mula nitong balat.
"Sigurado ho ba kayong hindi ko kayo kailangang dalhin sa hospital? Mas mababantayan kayo don. Wala pa naman ako dito mamaya hanggang bukas. Hindi ko kayo mababantayan," malambing na sabi ni Vice na umupo sa tabi ng ina upang mayakap ito from the side.
