"I am a lost soul."
"Hi. I'm outside your room. Can we talk?"
Kunot noong tinitigan ni Karylle ang cellphone habang paulit-ulit na binabasa ang text message na natanggap mula kay Vice. Sampung minuto na niyang natanggap ang mensahe ngunit ngayon lamang niya nabasa sa kadahilanang kalalabas pa lang niya ng bath room.
It's already past 10 o'clock and until now ay hindi pa siya bumababa to take her meal. Kung may sariling buhay nga lang ang tiyan ay baka nauna na itong bumaba upang kumain.
Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si Karylle and was about to type her reply nang bigla muling mag-pop ang new message from him.
"Snow and I are planning to go out. Gusto mo bang sumama? Last day naman na natin dito sa Batangas o. I know a place. You'll enjoy. I promise! ✋🏻"
Napangiti si Karylle bago maglakad to open the door. Once nabuksan niya ang pinto ay bumungad nga sa kaniya si Vice na nakasandal sa dingding habang abala sa cellphone.
"Pst?" sitsit ni Karylle sa kaibigan.
Mabilis naman na nag-angat ng paningin si Vice at saglit na natameme nang makita si Karylle, still in her bathrobe. Maging ang buhok nito ay nakabalot parin ng towel. "She's really beautiful even without make up. Ang unfair lang." he thought.
"Oh. Hi! Uso reply girl," he was trying not to sound awkward. Alam niyang na-offend din naman ang kaibigan dahil sa mga nasabi niya the last day.
"Sorry. Naligo kasi ako," she smiled apologetically.
"Game ka ba? I know a place. Galang gala na 'ko, girl." he said. "Saka di ka pa kumakain. Ang unhealthy ng hobby mo ha."
Saglit na napaisip si Karylle. He doesn't want to disappoint Vice ngunit wala talaga siya sa kondisyon upang magliwaliw.
"I know that face. Nangangamoy rejection 'yung pag-invite ko sayo." he really sounds disappointed.
"Vice, wala talaga ako sa mood--
"So ano 'to, girl? Did you just went here para magmukmok? Nakakaloka!" natatawang sabi nito.
Dahil sa confusions ay mabilis na kumunot ang noo ni Karylle. Hindi ba dapat galit siya dahil sa ginawa niyang pangengelam? Bakit nagagawa parin niyang umakto na parang walang nangyari? Kahit ba sa personal na buhay ay kaya parin nitong dalhin ang pagiging professional actor?
"Shouldn't you be mad at me?" nangangapang tanong ni Karylle.
"O.A lang talaga ang naging reaksyon ko," naiiling na sagot ni Vice bago umalis sa pagkakasandal at dire-diretsong naglakad papasok sa kwarto ng kaibigan.
Sumunod naman si Karylle sa binata at dumiretso na sa vanity chair. Inalis niya ang towel sa buhok at kinuha ang blower to dry her hair.
"Dapat nga nagpasalamat pa 'ko sa 'yo e. You made everything easy for me," sincere na sabi nito while watching his friend. Naupo siya sa gilid ng bed habang pinagmamasdan si Karylle na ayusan ang sarili. "Kung ako ang nagpaliwanag sa kaniya, hindi ko alam kung ganun din ang magiging reaksyon niya. She accepted everything na para bang maliit na bagay lang 'yung pinag-uusapan,"
"Matalinong bata 'yung anak mo, Vicey. She can undersatand," nakangiting saad ng dalaga. "Besides, tatlong taon palang naman 'yung anak mo. Hindi pa ganon kalawak 'yung utak niya to find your situation as big deal as it is for others,"
"Kaya nga, thank you." he said once again. Nang maalala ang sinabi ng anak ay mabilis siyang napangiti. "I remembered her saying how thankful she is dahil ginawa ko daw siyang special,"