A/N: Hi! Am so busy 'cos ov summer class. Kulang na sa tulog, kulang pa sa inspiration. Hustisya! Ipanalangin niyong tamaan ako ng kasipagan sa pagtatype sa isang linggong leave na hiningi ko. Hahahaha! Enjoy reading babies.
P.S: This chapter is full of masabaw moments.
Follow me on twitter gals - @lhengvcrl
Since Billy invited everyone to drink and party with him sa Prive, wala siyang nagawa nang magrequest si Vhong na sunduin ito sa bahay niya. Naiinis man ay hindi na nagreklamo si Billy at sinunod na lamang ang gusto ng kaibigan. Kesa naman wala siyang makasama.
"Ke-lalaki mong tao nagpapasundo ka." singhal agad ni Billy sa kaibigan nang makapasok ito sa sasakyan niya.
"Easy, kuys! Hiniram ni Bruno 'yung sasakyan ko. Ayoko namang magcommute, baka pagkaguluhan ako."
"You didn't inform me na nagdala ka pala ng sarili mong electricfan," wala paring emosyong sabi ni Billy as he started the engine.
Habang abala sa pagmamaneho si Billy, nilingon siya ni Vhong na tila ba may gustong sabihin.
"Bro, I'm getting married." sabi ni Billy habang nakatuon parin ang atensyon sa daan.
"And so?"
"Stop staring. Mukhang hinuhubaran mo na ako sa utak mo,"
"Tarantado!" bulyaw ni Vhong sabay hagalpak ng tawa. "Pero seryoso, kuys. May gusto akong sabihin sa 'yo."
"Ano ba 'yon? Just make sure it won't ruin my relationship with Coleen."
"Umayos ka nga. Hindi naman 'to tungkol sa 'yo oh sa relasyon mo kay Coleen," umiiling na giit nito. "It's about me and Karylle,"
Nang marinig iyon ay hindi agad nakapagsalita si Billy. Malamang ay iniisip kung ano ba ang sunod na sasabihin ng kaibigan.
"Vhong is taken and planning to get married anytime soon. Si Karylle naman, dalawang taon ng hiwalay sa asawa but she hasn't moved on yet kaya malabo namang... teka!"
"Kuys naman! Hindi niyo naman kailangang gawin 'yon," tila problemadong sabi ni Billy.
Now, it's Vhong's turn upang mag-isip kung ano ba ang tumatakbo sa isip ng kaibigan. Hindi kailangang gawin ang ano?
"Hindi mo ba iniisip kung ano ang mararamdaman ni Tanya pag nalaman niya 'to? 'Yung mga anak mo! Binata na 'yung mga 'yon and they'll surely be against with your sexual relationship with Karylle. Matuto ka namang makuntento kay Tanya,"
"Teka. Ang layo naman yata ng naabot ng isip mo," gulantang na sabi ni Vhong. Billy's unbelievable. Paano niya naisip 'yon?
"So mali 'yung hula ko?"
"Maling mali. Mahal ko si Tanya 'no, and I won't commit the same mistake I did before." sabi nito. Doon ay nakahinga naman ng maluwag si Billy. "I asked you to pick me up dahil gusto kong humingi ng tulong to help Karylle."
"Help her what?"
"Hindi ko alam. I just thought I have to help her pagkatapos nang ginawa kong pagpapaasa sa kaniya," Vhong said.
Ang kaninang naliwanagang utak ni Billy, ngayon ay muling gumulo. Pinaasa ni Vhong si Karylle?
"Pwede bang i-explain mo muna lahat? Baka ma-misunderstood ko nanaman 'yung sasabihin mo,"
Malalim na napabuntong hininga si Vhong. Alam niyang malaki ang posibilidad na magalit sa kaniya si Karylle if he tells Billy about them, being a sperm and egg donor in Canada. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at matapos ang ilang segundo, muli niya itong iminulat at inilingon sa ibang direksyon.
