twenty five

4.9K 297 89
                                    












twenty five




















"Karylle? Anak?"

Banayad lamang ang pagkatok ni Nanay Rose sa pintuan ng kwarto ni Karylle upang hindi mabigla ang paggising ng alaga, kung natutulog man ito. Nang hindi makakuha ng sagot ay unti-unti na niyang pinihit ang seradura ng pintuan upang ipasok ang isang tray ng pagkain para sa dalaga. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang masuspinde ang dalaga sa trabaho. No Showtime, No guestings, No recordings, No everything. Sa ngayon ay literal na pahinga ang ginagawa ni Karylle dahil sa dalawang araw na lumilipas ay hindi siya lumalabas ng kwarto. She decided na doon na lamang umuwi sa Condo, with her tagapag-alaga dahil pakiramdam niya'y wala na siyang mukhang maihaharap sa ina at sa mga kapatid.

Matapos magtrending ang nasabing video niya, kaliwa't kanan na ang humihingi ng permiso if they can conduct an interview with her ngunit ni isa ay wala siyang pinatulan sa mga iyon.

Sila Anne, at Vhong na madalas ang ginagawang pagtawag at pagtext sa kaniya ay hindi niya rin magawang sagutin dahil sa hiyang nararamdaman. Malamang ay hindi nakalagpas sa kahit na sino ang kababuyang nagawa, ginawa sa kaniya at hindi na lingid sa kaalaman niyang maski ang mga katrabaho sa showbiz ay napanood iyon. Ngayon ay hindi niya alam kung paano siya muling haharap sa camera, sa kabila nang nangyari.

Pagpasok ng matanda sa kwarto ay ang naka-upo ngunit nakatulalang si Karylle ang sumalubong sa kaniya. Her eyes were puffed-up, marahil ay dahil narin sa magdamag na pag-iyak.

"Anak, kailangan mo ng kumain. Isang araw nang walang laman 'yang tiyan mo." bakas sa boses ng ginang ang pag-aalala.

Alam niyang nasasaktan ang alaga dahil sa mga nangyayari ngunit hindi niya alam kung paano ito tutulungan. She wants to make a way ngunit natatakot siyang baka mas mapalala lamang niya ang sakit na nararamdaman ng dalaga.

Kung noon, Karylle was so vocal about her feelings, ngayon ay wala kang maririnig sa kaniya na kahit ano. Kung tatanungin man ay dalawa lang ang maaari niyang gawin, tititigan ka niya o hindi kaya'y hihiga at pipikit.

She must really be at the deepest part of her psyche right now.

"Anak--

Hindi na naituloy pa ni Nanay Rose ang sasabihin nang humiga na si Karylle at pumikit.

She wants to be alone.

"Iiwan ko nalang 'tong pagkain dito sa table mo ha? Kumain ka na, anak." sabi nalang ng ginang bago mag-iwan ng isang banayad na halik sa ulo ng alaga. "Wag ka ng malungkot. Andito pa ako oh. Mahal parin kita. Hindi naman mababago 'yon,"

Kasabay ng paglabas ng ginang sa kwarto ay ang malayang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Karylle. Gusto niyang gumaan ang nararamdaman, gusto niyang mabawasan 'yung sakit sa dibdib niya, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula. Hindi niya alam kung paano ipaglalaban ang sarili sa mga taong, paniguradong hindi naman siya pakikinggan.

Hindi siya karakter sa isang kwento na kahit makaramdam ng kalupitan sa umpisa ay paniguradong maghihilom ang sakit na nararamdaman kalaunan.

Nasa realidad siya, tayong lahat.

Realidad na hindi mo kayang takasan.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon