twenty six

5.7K 311 60
                                    






twenty six













Nagkukumahog na naglakad sina Vhong at Anne patungo sa hospital room kung saan naka-admit si Karylle. Bilang malalapit na kaibigan ng huli ay hindi nila napigilan ang makaramdam ng kaba nang makatanggap sila ng tawag from Nanay Rose saying na isinugod sa hospital ang dalaga matapos itong mawalan ng malay.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay tumambad sa dalawa ang tahimik na lugar. Natutulog ang ginang sa tabi ni Karylle. Napatakip na lamang ng bibig si Anne nang makita ang malata, at halos wala nang lakas na si Karylle.

"M-mga anak,"

Nang mahimasmasan si Nanay Rose ay agad siyang tumayo upang daluhan ang dalawa. Dumiretso naman ng pasok sila Anne at Vhong upang mas malapitan pa ang dalaga. They both sat at the edge of her hospital bed.

"A-ano pong nangyari kay K?" nag-aalalang tanong ni Anne.

"Sabi ng doctor, dahil daw sa dehydration at over-fatigue. Nakadagdag din daw 'yung stress kaya nag-collapse nalang siya bigla. Halos isang araw na nga 'yang hindi kumakain e. Kahit anong gawin ko, hindi niya 'ko pinakikinggan." pagpapaliwanag ng ginang.

"Sino pong tumulong sa inyo na magdala sa kaniya dito?" Vhong asked na kahit nagtataka man ay nagpapasalamat narin dahil naidala agad sa hospital ang kaibigan.

"Si Vice."

Kapwa napalingon sina Vhong at Anne sa ginang dahil sa isinagot nito. They weren't expecting to hear that name.

"Si Vice? Paanong-

"Nagpunta siya sa unit ni Karylle kaninang umaga. Gusto sigurong kausapin 'yung alaga ko." she explained. "Pagpasok namin ng kwarto, basag na 'yung plato at baso na pinaglagyan ko ng pagkain niya."

Habang nagkukwento ay hindi maiwasan ng ginang na maging emosyonal lalo na't para sa kaniya ay hindi naman deserve ng alaga na maranasan lahat ng ito. Napakabuting tao ni Karylle para mapagdaanan niya lahat ng sakit sa buhay.

"Sobrang hirap para sa akin na makita siyang nasasaktan ng ganito." patuloy pa niya. "Bawat iyak niya, bawat reklamo niya na nahihirapan na siya, mas doble 'yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalaing darating sa puntong makikita ko siyang nasa ganitong sitwasyon,"

"Si Vice po? Did he tell something about Karylle?" Anne asked.

"Wala, anak. Kung ano man 'yung dapat nilang pag-usapan, hindi na 'ko manghihimasok don. Ang gusto ko lang, sumaya na 'yung alaga ko."

Nagkatinginan sila Vhong at Anne na tila ba pareho ang tumatakbo sa isip. They both knew Vice, at alam nilang hangga't galit ito ay hindi ito kikibo. Kaya rin hindi nila ito masisi nang bigyan nito ng option na layuan ang anak kapalit ng hindi nila pag-alis ng bansa. Galit lamang ang may kayang gumawa noon.

Ngayong si Vice mismo ang nagpunta kay Karylle upang makipag-usap, bumaliktad na ba ang mundo?

"Nay, sinabi po ba ni Vice na babalik siya?"

"Wala naman siyang binanggit. Ang sabi lang niya, may importante siyang gagawin kaya kailangan na niyang umalis." the old woman answered.

Napabuntong hininga na lamang si Anne. Nanghihinayang siya sa mga pagkakataong hindi naman dapat ganito ang nangyayari. Hindi makabubuti ang stress sa kaniya lalo na't nagdadalang-tao siya, ngunit hindi rin naman niya maiwasang mag-alala para sa kaibigan. Gusto rin niyang gumawa ng paraan upang tuluyan nang mabuksan ang isip ni Vice, na tanggapin si Karylle bilang ina nang anak niya.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon