thirty

6.3K 279 131
                                    



















thirty




















"Your room is so beautiful!" manghang sabi ni Snow while roaming her eyes around Karylle's room.

Napangiti lang si Karylle while appreciating the kid's beauty. Dahil sa paghahangad na magkaroon ng anak noon, kahit hindi pa man siya nagpa-positive sa pagbubuntis ay inunti-unti na niya ang pagbili ng baby stuffs. From crib, baby carrier, baby sandos, shirts and shorts, onesies, socks and even shoes. Ngunit nang malaman niyang wala siyang kakayahang bumuo ng bata ay isa-isa niyang inalis ang mga bagay na 'yon to lessen the pain dahil everytime na nakikita niya lahat ng own collected baby stuffs ay mas nadaragdagan ang galit niya sa sarili.

Hindi siya mahilig sa pastel colors, ngunit nang makumpirma na kaniya nga talaga si Snow, she started collecting pastel stuffs naman dahil umaasa talaga siyang isang araw ay hahayaan siya ni Vice na makasama ang anak sa pagtulog. At hindi naman siya nabigo. Tonight will be the happiest night of her life.

"I bought everything for you," nakangiting sabi ni Karylle. Agad na nagningning ang mga mata ni Snow at mabilis na nilapitan ang unicorn stuff toys na nasa kama ni Karylle.

"Look, Adi! It's a family unicorn." Snow jumped in glee habang isa-isang ipinapakita sa ama ang tatlong unicorn.

"Karylle, masyado naman yatang madami 'to..." hindi makapaniwalang sabi ni Vice.

Alam niya kung gaano kakuripot si Karylle and seeing all the stuff toys, dresses, kikay kits and accessories amazes him a lot. Kaya rin palang gumastos ni Karylle para sa bata?

"Hindi ko pa alam 'yung totoo, nandito na 'yang stuff toys and kikay kits na 'yan. You know, I always wanted to have a baby girl. Ang advance ko mag-isip no? Wala pa mandin, nakabilinnw 'ko." Karylle explained. "Yung dresses and accessories, last week ko lang binili. Ang cute kasi, bagay na bagay kay Snow."

"Mama Uni, Papa Uni and Baby Uni." Snow said softly habang hinihimas isa-isa ang unicorns na nasa harap niya. "They're so cute."

Nang makita na masiyado ng hooked si Snow sa lahat ng toys and other stuffs na nakikita niya, it's the time that Vice has to call her to eat dahil alam niyang hindi nanaman magagawang kumain ng bata kapag nasimulan na nitong maglaro.

"Niyebe. You help me fix these," sabi ni Vice habang itinuturo lahat ng pinamili nila.

"Ang dami niyong binili," Karylle said na bahagyang nahiya kaya napangatngat siya sa kuko.

"Yung isa dito para kay Nanay Rose. Ikaw na ang magbigay mamaya." ani Vice habang sineseparate ang foods na para sa matanda. "Akala ko kasi may iba kayong kasama dito sa bahay kaya dinamihan ko ng bili,"

"Mama's in Europe with Zia. Si Coco, may business trip sa Ilocos kaya kaming dalawa lang talaga ni Nanay dito sa bahay." she explained. Dahan-dahan namang tumango si Vice to show that he's listening.

"So paano 'tong sobra?"

"Maybe we can give them sa mga bata diyan sa labas mamay-- well, kung okay lang naman sayo."

Dahil sa narinig, mabilis na dumako ang tingin ni Vice sa dalaga na ngayon ay tinutulungan din si Snow sa pag-aayos at pagseseparate ng foods.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon