twenty seven

4.9K 269 62
                                    









twenty seven















"I got a call from Nanay Rosario. Wala daw makakasundo kay bagets."

Vice stopped Archie from retouching his make-up nang marinig ang sinabi ni Buern. Kunot noo niyang kinuha ang cellphone from his bag at nakita na puro missed call nga ng ina ang natanggap niya.

"Paanong walang makakasundo? Inutusan ko si Leo na sunduin 'yung bata before 3:30 diba?" may pagka-irita at bahagyang tumaas ang boses ni Vice. They couldn't blame him. They're talking about his daughter. Isa kasi sa mga ayaw niya ay 'yung  napapabayaan ang bata, lalo na sa panahong wala siya.

"Inatake daw ulit 'yung anak. Eh diba kaya lang naman nag-sideline 'yun sayo as driver eh para makadagdag income dahil hindi biro 'yung ginagastos ng anak sa hospital," paliwanag ni Buern, hoping that it would calm Vice.

Vice left the house before sunrise para sa photoshoot ng kauna-unahan niyang Valentine movie. They finished the photoshoot at 9 am, at pagkatapos ay dumiretso naman sa location kung saan ifi-film ang first scene ng naturang palabas.

Dahil kababalik lamang sa Showbiz ay kaliwa't kanang projects na ang ibinabato kay Vice. Sa dami ng projects na ibinibigay sa kaniya ay napagdesisyunan niyang tanggapin ang isang offer na hindi pa niya nasusubukang gawin. He always has an entry para sa MMFF, at ni minsan ay hindi niya nabitawan ang titulong tila sa kaniya lang talaga nakalaan.

This time, he wants to give his viewers the different version of Vice Ganda.

A Valentine Movie.

"Si Manong Jun? Si Francis? Kung sino 'yung available sa dalawa 'yun na--

"Si Manong Jun ang nakatokang sumundo ngayon kay Ken. Imagine naman kung gaano kalayo ang DLSU sa school ni Snow. Paniguradong traffic pa ngayon kaya malabong masundo niya si bagets. Si Francis, kasama ni Ate Tina sa medical mission sa Batangas."

Napahilot nang mariin sa sentido si Vice dahil wala na siyang maisip na ibang pwedeng sumundo sa anak.

"Kung ako nalang kaya ang sumund--

"Vice, okay ka lang? Nasa Nueva Ecija ka huy! Kung ikaw ang susundo sa anak mo, dilat na 'yun sa gutom bago ka pa makarating don."

"Then give me other options. Sinong pwedeng sumundo kay Snow?" mababa man ay bakas parin ang pagka-inis sa boses ni Vice. "30 minutes nalang dismissal na nung bata. Alam niyo namang tinotopak 'yun pag pinaghihintay ng matagal,"

"Dapat kasi tinuturuan na 'yun magcommute eh," sabad ni Bonita na nakatanggap ng sapok mula kay Buern. "Aray ko ha! Idedemanda kita."

"Tanga! Tatlong taon tuturuan mong mag-commute? Okay ka lang?" asik ni Buern na binalikan ng tingin si Vice.

"Si Terrence. Tutal si Snow lang naman ang laging kinakamusta tuwing tumatawag sa 'yo, ipasa mo muna ngayon sa kaniya ang obligasyon. Sunduin niya kamo si bagets." pagbibigay option ni Archie na kanina lang ay tahimik.

Kahit masama ang loob sa nobyo, at dahil wala ng oras para mag-inarte pa, tinanggap ni Vice ang suggestion ni Archie. He tried ringing Terrence ngunit sa unang beses palang ay hindi na niya ito ma-contact.

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon