thirty two
"Karylle---
Mabilis na naitulak ni Karylle ang binata nang marinig ang boses ni Nanay Rose na mukhang naalimpungatan pa sa pagtulog. Sa hiya ay napayuko na lamang ang dalaga habang napalingon naman sa malayo si Vice.
Their hug lasted for more than a minute, at dahil kapwa nadala sa emosyon ay hindi na nila namalayan ang presensya ng matanda sa bukana ng pintuan.
"S-sorry, akala ko kasi may nanloob na sa bahay. Hindi kasi kita mahagilap sa loob," paumanhin ng matanda bago iyuko ang ulo. "Matutulog na ulit ako. Pasensiya na,"
Pagkaalis ng matanda ay ilang segundo pang nagpakiramdaman at nagsukatan ng tingin sina Vice at Karylle, hanggang sa maisipan ng huli na magsalita na.
"Kumain ka na ba?" tanong ng dalaga.
"Actually hindi pa. Hindi na kasi ako bumaba sa bahay. Ihinatid ko lang 'yung mga bakla tapos dumiretso na 'ko dito," nagkakamot ulong sabi ni Vice na hanggang ngayon ay hindi parin magawa ang tignan ng direkta si Karylle.
"Sakto. Marami naman 'yung niluto kong ulam kanina. Pasok ka sa loob, kain ka muna."
"Nako, Karylle. Nakakahiya. Masiyado na 'kong nakakaabala. Susunduin ko lang talaga si Snow tapos uuwi narin kami. Sa bahay nalang ako kakain,"
Ngunit tila tadhana na talaga ang nagbibigay ng rason upang bigyan ng mas mahaba-habang oras na magkasama ang dalawa.
Napangiwi na lamang si Vice nang hindi planadong tumunog ang tiyan dahil sa gutom.
"Sure kang mamaya ka pa kakain?" nakangising sabi ni Karylle. "Lagot ka sa nanay mo. Mukhang pinapabayaan mo nanaman 'yung oras ng kain mo,"
Dahil nabanggit na ang "nanay" at alam ni Vice na hindi malabong isumbong siya ni Karylle sa ina ay hindi narin niya nagawang tanggihan pa ang dalaga sa pangalawang beses nitong alukin na kumain.
"Tara na sa loob. Ihahanda ko lang 'yung kakainin mo,"
Nauna ng pumasok si Karylle sa bahay. Dumiretso siya sa kusina habang tahimik namang nakasunod sa kaniya ang binata. Once makarating sa kusina ay agad na ininit ni Karylle ang nalutong ulam, nagsandok ng kanin at ipinaghanda ang binata.
"Karylle, I can serve myself. Sige na. Maupo ka na diyan. Ako na ang mag-iinit nung ulam,"
"Vice, you're tired. Ikaw ang maupo. Saglit lang naman iinitin 'to," Karylle insisted . Nagawa pa nitong itulak si Vice upang muli itong mapaupo. "How's the shoot nga pala?"
"Went well," simpleng sagot ni Vice ngunit mababakas ang contentment sa boses nito. "Nasaan nga pala si Snow?"
"Ay sorry, hindi ko na nabanggit 'yung bata. Kanina pa natutulog 'yon. Wala kasing ginawa after school kundi maglaro. Napagod yata,"
"Baka naman masiyadong napawis--
"Huwag ka ng mag-alala masiyado. I made sure nabantayan ko ng maayos 'yung anak nati--, I mean anak mo. Hindi ko naman pababayaan 'yon no," sagot ni Karylle.
Hindi agad nakasagot si Vice nang marinig ang sinabi ng dalaga. She almost said "anak natin".
"She got three stars nga pala kanina. Nagworry siya na hindi na maipakita sa 'yo kasi nabura 'yung stamp sa kamay niya nung nag-shower siya before she sleep." she added.