twenty four
Napabalikwas ng bangon si Karylle nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya. Sa bilis ng pagbangon ay lalo niyang naramdaman ang sakit ng ulong marahil ay dala narin ng walang habas niyang pag-inom ng alak kagabi. Dumagdag pa sa sakit ng ulo ang walang tigil na ingay na nagmumula sa cellphone niya dahil narin sa inis ay padabog niya itong hinugot mula sa ilalim ng unan at sinagot ang tawag without looking for the caller's name.
"Hello!" masungit niyang bungad sa tumawag.
"You better get your ass out of your bed now, Karylle! Pumunta ka na dito! Everyone's waiting for you!"
Idinilat ni Karylle ang mga mata at kunot noong inilayo ang cellphone sa tenga upang kumpirmahin kung sino ba ang kausap niya. It's Anne.
"Anne, I'm still sleepy!"
"I don't care! Ana Karylle you have to clear your name!"
"What?" nagtatakang tanong ni Karylle. "What do you mean by I have to clear my name?"
Hindi nakalagpas sa pandinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ni Anne. Maging ang pagdidiskusyon ng mga tao sa paligid ng kausap ay hindi rin nakalagpas sa kaniya.
"You seemed to be really insensible last night na halos hindi mo na namalayang you almost got raped!" pagbabahagi ni Anne na siyang nakapagpalaki sa mga mata ni Karylle.
Nakaramdam ng kaba si Karylle kaya't mabilis niyang inilibot ang paningin upang alamin kung nasaan siya. She's in her room. Ang tanging naaalala lamang niya sa lahat ng nangyari kagabi ay kasama niya ang mga dating kaklase sa Ateneo. Ni hindi nga niya maalala kung paano pa siya nakauwi.
"I-I was with my former classmates, Anne. I-I couldn't remember what---
"That's why you have to be here! Galit na si Direk. Kailangan mong linisin 'yung pangalan mo dahil kaliwa't kanan na ang balita tungkol sa 'yo." dagdag pa ni Anne na mas lalong nagpataka kay Karylle. "Your pictures and videos are now viral on social medias. Karylle, we need you to be here!"
"O-okay. Okay."
Sa sobrang pagkaaligaga ay hindi na alam ni Karylle kung ano ang unang gagawin. Patilapon niyang ibinaba ang cellphone at nagkukumahog na naghanap ng damit na maaari niyang gamitin today. Hindi na niya ininda ang hilo at sakit ng ulo. Mabilis siyang kumilos; naligo at nagbihis. She didn't even mind taking her breakfast at walang paalam na nilisan ang bahay upang makarating agad sa studio.
On her way to Studio, muling nakatanggap ng tawag si Karylle. It was from Iza. Walang alinlangan niya itong sinagot kahit na nagmamaneho pa siya.
"Iz---
"Where are you? Fvck, Karylle! I already told you to stay at home last night! Hindi mo ko sinunod! Look what happened!"
Hindi agad nakapagsalita si Karylle dahil sa narinig na sermon from Izadora. Malalim lang siyang napabuntong hininga.
"Have you already checked your facebook and twitter?" pahabol na tanong ni Iza.
