thirty one

5K 222 75
                                    











thirty one














From Vice:
      "Kumain na ba si Snow?"

Kunot noong kinuha ni Karylle ang cellphone na hawak-hawak ng anak. Nagpaalam lang siya dito ng ilang minuto to take a shower ngunit paglabas niya ay naabutan na niya itong hawak-hawak. Dahil narin siguro sa antok ay hindi na nagawa pa ng bata na ibaba ang cellphone na kanila lang ay pinaglalaruan pa niya.

Pasado alas dyis na at ngayon ay nakatanggap nanaman siya ng panibagong message from Vice. Parang every after thirty minutes na nga lang ay nakakatanggap siya ng texts dito, pag hindi pa nakuntento sa sagot niya ay tatawag pa ito to talk to Snow.

To Vice:
       "Hi. Oo, kumain na siya. Nakatulog na nga eh. Ang hirap pakainin ng batang 'to ha, kailangan ko pang mag-isip ng kung anu-anong stories mapakain lang..."

From Vice:
      "Did she brush her teeth? Nagpalit ba siya ng pajama?"

To Vice:
      "Yes, Vice. No need to worry. She did obey all your reminders. She ate, brushed her teeth alone, took a shower before she goes to bed, and prayed. Hindi ko nga pinaalala lahat ng 'yon. She was the one na nagkusang kumilos. She's too responsible for her age. Nagmana sakin. Hehe!

From Vice:
      "So sinasabi mong hindi ako responsible?"

To Vice:
      "Hindi naman. You're responsible, Vice. And I really thank you for being one."

From Vice:
     "Ikr."

To Vice:
      "Kumain ka na ba? Baka nagsskip ka nanaman ng pagkain mo ha!"

After sending her reply ay panandalian munang ibinaba ni Karylle ang phone to prepare herself to sleep. Inayos niya ang pagkakahiga ng anak at matapos ay kinumutan ito.

After making sure na komportable na ang anak sa pagkakatulog ay saka siya humiga sa tabi nito. Kaharap ang mukha ng bata, hindi niya maiwasang titigan ito at isipin ang mga bagay na nais niya pang gawin kasama ang anak.

Pakiramdam niya'y kulang na kulang pa ang mga bagay na naibigay na niya, ang mga oras na nagugol niya, maging ang pagmamahal na ibinibigay niya sa araw araw na naiisip niya ito. She still has to put more efforts upang makabawi sa anak.

Sa gitna ng pagtitig sa bata ay muling nakatanggap ng mensahe si Karylle mula kay Vice.

From Vice:
        I'm already done eating. Don't worry about me. Pagtuunan mo ng pansin 'yung anak ko. I've already given you the chance to be with her. Huwag kang papalpak.

Mapait na napangiti si Karylle.

Hanggang kailan nga ba siya mabibigyan ng pagkakataon na makasama ang anak?

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon