nine

5.2K 226 48
                                    

"Tutoy,"

"Ay, nay!"

Sinalubong ni Vice nang isang mahigpit na yakap ang ina. This has been their routine every morning. Aakyat ang ginang sa kwarto nilang mag-ama to tell them that breakfast is ready. Dahil nga sa ilang taon ding namalagi at nawalay sa pamilya, ngayong bumalik na si Vice ay ginusto nilang magkakasabay ng kumain.

"Tulog pa 'yung bata?" nagtatakang tanong nito dahil tuwing umaga ay si Snow agad ang sumasalubong sa kaniya. "Kakain na 'nak,"

"Nako, 'nay. Anong oras na ho nakatulog kagabi e. Kwento ng kwento tungkol sa naging bonding nila ni Karylle." umiiling na sabi ni Vice habang tinitignan ang anak. "She really had so much fun,"

"Obvious naman, anak. Parang sabik na sabik sa kalaro," puna ng ginang.

"Wala rin naman ho kasi siyang naging kalaro sa Canada. I enrolled her sa isang school doon para naman kahit paano eh malibang kaso wala pang isang buwan, ayaw na niya. Hindi ko naman pwedeng ipilit kung hindi pa ready 'yung bata," he even explained.

"Tungkol saan nga pala 'yung meeting mo kahapon?"

"Ah! Tungkol ho sa comeback ko, 'nay. Tentative date of my comeback is on January 6. Hindi na kasi pwedeng isingit ngayong December since puro na sila taping," he answered. "And about our three days Christmas vacation sa Batangas. Balak ko nga ho, wag ng sumama."

"Bakit naman? Ngayon ka na nga lang makakasama ng mga katrabaho mo, hindi mo pa pagbibigyan."

"Nay, three days din 'yun. Kababalik ko lang tapos iiwanan ko ulit kayo? Dito muna 'ko," tila batang naglalambing na sagot nito bago yakapin ang ina mula sa likod.

"Three days lang naman 'yun anak. Syempre they want to spend time with you naman before mag-pasko. Ilang taon ka nilang hindi nakasama o. Atsaka, dito naman kayo magpapasko at magbabagong taon ni Snow diba? Mahaba-haba pa 'yung panahong maglalagi kayo rito, kaya pagbigyan mo na ang hiling nung mga katrabaho mo." pangungumbinsi pa ng ginang.

"Sumama nalang ho kaya kayo?"

"Wag na. Ano ka ba? It's your time to bond with your friends. Si Snow din. It's her time to enjoy her vacation with you. Igala mo naman 'yung anak mo bago ka sumabak ulit sa Show Business."

He really couldn't say no to his mom. Kaya kahit gustong mag-stay sa tabi ng ina, naisip rin niyang tama ang pinupunto nito. Lalo na't ilang taon nga din naman siyang hindi nakasama ng mga kaibigan.

"Ano nga palang balak mo pagbalik mo sa trabaho? Babalik ka ba sa Condo mo?"

Napabuntong hininga naman si Vice. It would be really difficult for him na pagsabayin ang trabaho at ang panahon na dapat niyang ilaan para sa anak. He knows na dadaan nanaman siya sa napakalaking adjustments kagaya noong nagsisimula pa lamang siya sa show business.

"Pinag-iisapan ko nga ho 'nay e. Medyo may kalayuan din kasi 'tong bahay sa ABS. Kung babalik naman ako sa Condo, paano si Niyebe? Maoobliga akong dalhin yan araw-araw sa studio." problemadong sabi nito.

"You can leave her here with me,"

"Nay, hindi mo kakayanin ang kakulitan ni Niyebe. Pag gusto niya, gusto niya. Si Terrence lang talaga nakakapagpasunod dito eh," naiiling na sabi nito. "Ako na ang gagawa ng paraan 'nay ha? Pag bumalik ako sa trabaho, I promise na dito kami uuwi ni Niyebe every Saturday night para ma-spend namin 'yung whole Sunday with you."

"Dapat lang. Sobrang tagal kong naghintay bago mo ko nabigyan ng apo, aba susulitin ko naman 'yung panahon ko na makasama 'yang bata na 'yan ano! Mamaya bigla nalang akong bawian ng buhay-

"Nay naman e!" Vice being so sensitive about this issue, mabilis na kumunot ang noo niya at pinanlisikan ng mata ang ina.

"What? Anak naman. Alam mong doon at doon din ang tungo ko diba?"

Lacking BrightnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon