nineteen
At 7 o'clock in the morning ay nasa hospital na sina Anne, Billy, Coleen, Vhong and Jhong. Naroon din ang mga kapatid at ang ina ni Vice na gustong patatagin ang loob ng huli dahil sa isang oras na lamang ay isasagawa na ang bloos transfusion.
Yes, Karylle has passed the tests given to her at sinabing maaari siyang maging donor ng bata.
"Karylle, alam kong kalusugan ng anak ko ang nakasalalay dito pero sigurado ka ba talaga?" sa kabila ng kagustuhang gumaling ang anak ay ang pag-aalala rin para sa isang kaibigan.
"If you're worried about the changes that might happen to me, it's okay Vice. Two to three weeks lang naman ang itatagal nung mga changes na 'yon. Besides, hindi naman 'yon nakamamatay so I'll be fine." Karylle showed a sweet smile to assure Vice that she's reallt fine.
Gustuhin man ng buong showtime family na pumunta roon upang palakasin ang loob ni Vice at ng anak nito, hindi nila magawa dahil limited lang naman ang maaaring pumasok at magstay sa hospital room ng pasyente so they decided to just visit them after the transfusion.
Ilang minuto nalang at isasagawa na ang blood transfusion. Karylle is calming herself dahil alam niyang hindi magiging madali ang proseso. Yes, nakapagdonate na siya ng dugo noon but this one's different dahil mismong sa bone marrow niya kukunin ang stem cells na idodonate kay Snow.
"Baby? Diba strong ka?" tanong ni Vice sa anak na ngayon ay pinaglalaruan ang ibinigay ni Anne na stuff toy last night.
"Yes. Why, Adi?"
"Diba you want to feel better?"
"Yes."
"Is it okay if Adi won't go with you during the transfusion?" nangangatog ang kamay na tanong ni Vice.
He wants to be there with his daughter pero hindi niya kaya. One of his biggest fears is to see his life going through any medical processes. Ni makitang salinan ng dugo ang mahal sa buhay ay hindi niya kayang tignan. It has different meaning to him.
"Are you scared?" nakangiting tanong ni Snow.
Mabilis naman na umiling si Vice. Oo, natatakot siya but he doesn't want her to know that. Ayaw niyang takutin din ang anak.
"No. I'm not scared. Alam ko namang kaya mo 'yun eh. Diba nga strong ka?"
"Why awen't you coming with me?"
"Because I want to prepare foods for you para paglabas mo dun sa room, kakain na tayo." sunod sunod naman ang naging pagtango ni Snow na animo'y naiintindihan ang sinasabi ng ama.
"Can you call Papa? Maybe he wants go with me inside that room." Vice became uneasy nang hanapin ni Snow ang ama.
"Anak, he's busy kasi eh."
"But I want to see Papa."
"Sige, ako nalang ang sasama sa 'yo sa loob wag mo lang hanapin si Papa ngayon. He's really busy."